Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Habang nakaupo sa loob ng airport, medyo nakaramdam na ako ng gutom dahil alas tres na ng hapon. Sakto naman na dumating yung dalawang babae na kasabay namin papuntang dubai na meron dalang pagkain, nag alok sila sa amin ni Bogart na kumain daw kami... pero dahil sa mahiyain kaming dalawa, hindi kami kumuha ng french fries na binili sa mc donalds, gusto pa ngang bigyan ni ate si bogart ng 20 hkg dollars, pero mahiyain talaga si bogart kaya hindi niya ito tinanggap.

Niyaya ko si Bogart na bumili na rin kami ng makakain at sobrang gutom na ako, sumama naman si bogart sa akin at sabay kaming naghanap ng mabibilhan ng kakainin. Paikot-ikot kami sa loob ng airport at napuntahan namin yung parang foodcourt dun na maraming foodchain, then nung nakahanap na kami ng gusto naming bilhin, naghanap uli kami ng pinakamalapit na money changer, at hayun konting lakad lang may nakita kaming chinese na nagdedate sa isang table, lintek! ano ba tong pinagkekwento ko...lols! sa hindi kalayuan nung nagdedate, meron kaming nakita na money changer at agad agad kaming pumaroon at nagpapalit ng 300 pesos para sa isang meal lang. Ang palitan sa 300 pesos, 50.03 hkd dalars.


Pagkatapos naming magpapalit, diretso na kami kaagad sa Mcdo para bumili ng chicken na apat na piraso na meron french fries na malaki at softdrinks na akala mo para sa tatlong tao. Si Bogart naman ay hamburger na pinaliguan ng gulay na ginayat...hindi ko alam kung ano ang tawag dun, basta burger then palaman at kung ano anong ek ek sa loob, meron din kasamang french fries at coke na kasinhaba ng baba ni aiai delas alas!


Habang kami ay nasa pila, minamasdan ko ang mga crew ng mcdonalds na mga chinese.. napapansin ko sa kanila, halos lahat sila singkit ang mata at makikinis ang mukha.. in short, may hitsura yung mga crew ng mcdo hkg airport. (dalawin niyo minsan yung mcdo dun kung mag aabroad kayo para malaman niyo din) lols! 


WELCOME... ito yung tawag ng mga crew sa mga nakapila na ibig sabihin, "kayo na po" kung sa tagalog pa. Nag sabay na kami ni kaibigang bogart na pumunta sa magandang chinese crew at nag bigay ng oorderin namin, sa mga huling dumating, babanggitin ko po ulit yung inorder namin, isang order ng chicken na apat na hiwa na may kasamang french fries at coke saka hamburger na binudburan ng ginayat na gulay.


Ang nakakatawa nung time na nag oorder kami, itong si bogart tinatagalog niya at tinatawag na mam yung crew! hindi ko napigilang matawa nung time na yun...


ganito ang nangyari nun;


Bogart: ito yung akin mam, hamburger with prents prays, magkano nga to mam?

Crew: smile smile smile (halatang hindi niya naintindihan)
Ako: Pre, bakit mo tinagalog? hahahahahahaha!
Bogart: ay oo nga! hehehe.
Ako: hi miss, 1 order of this chicken and 1 order of this hamburger, please separate. thank you!
Crew: Eat out sir?
Ako: No... dine in.
Crew: Ok.., 39 dollars sir.
Ako: Here... (sabay abot ng 40 hkg dalars)

At ganun din si Bogart sa kanya, umatras na ako para antayin yung inorder namin.


Habang kumakain kami, syempre hindi maiiwasang magkwentuhan ng kung ano ano. Tinanong ko siya kung bakit siya pupuntang dubai, sagot niya saken, "wala kasi akong trabaho pre, tapos dalawa pa anak ko, kaya magbabakasakali na din ako sa dubai". kwentuhan lang kami ng kwentuhan hanggang sa maubos na namin yung kinakain namin... hindi namin kinain yung french fries at ibibigay ko yun dun sa kasama namin na lalaki na walang pangkain... pagbalik namin sa upuan malapit sa boarding gate, inabot ko na yung french fries ko dun kay kabayan at halata sa mukha nya na excited na siyang makakain ng french fries na binili sa mcdo, then nag thank you siya saken. Yung kay bogart naman, binigay niya sa dalawang bata na may kasamang magandang nanay na bata pa, in short pwedeng pwede pa! hahahaha!





Dumating ang oras na alas kwatro, pumunta na kami doon sa mga kasama naming pasahero na halos 90% eh pinoy, maya maya lang ay boarding na namin... again, iba yung way ng nasa business class at iba rin yung way ng economy class (yun yung way ko.. hehe)!


Pagdating ko sa loob, namangha na naman ako sa laki ng eroplano... ang ganda ng loob ng eroplano, malaki at malamig at marami na namang monitor na touch screen. Syempre alam ko na panu gamitin yung monitor, kaya medyo nagmamayabang na akong pindutin...hindi na ako natingin sa kaliwa at kanan bago pumindot...hahaha!


Nagsalita na ang piloto na kami ay lilipad na patungong dubai at babyahe sa ere ng halos sampung oras.. at maya maya na naman ay nagsalita na ang cabin crew na dapat daw naka seatbelt na kaming lahat, samantalang sila naglalakad pa. lolzx! ilang minuto lang ay nasa ere na naman kami...sa byaheng yun, hindi na ako sa bintana naka pwesto, dun na ako sa gitna 70D na ang aking seat number... medyo sad face pero ok lang, hindi naman yun importante...ang importante makarating ng ligtas sa paroroonan.


Habang nasa ere, nanood ako ng kung ano anong movie, meron dun yung kay arnold schuaw... schawar... szchawrze... ahhh!! peste! terminator pala, saka twilight na peborit ng asawa ko, meron din ice age at ang pinakagusto ko sa lahat na tinapos ko mula umpisa hanggang sa lumabas ang copyright ng pelikula ay yung "LIFE OF PI" hindi ko iniexpect na matatapos ko siya ng buo at wagas dahil sa hindi ko naman alam kung ano ang story neto..ibig sabihin, wala akong hint..hehehe! basta narinig ko lang na maganda daw ang life of pi... so ayun sinubukan kong panoorin at natapos ko nga... Hindi ko na ikekwento dito at baka maubos na naman yung oras nyo sa pagbabasa at hindi niyo na ako i-follow...hahahaha! basta nirerecommend ko na panoorin niyo yung life of pi para pag nagkita tayo, pwede nating gawing pulutan sa inuman..hehehe!


Medyo mahaba na naman yung naitype ko, actually sa utak ko lang galing yan na pilit kong inaalala lahat ng mga nangyari nung mga araw na yun.. sabi ng tropa ko na blogger, itype ko daw muna sa notepad... neknek nya... hindi ko na kelangan ng notepad..matalino to tsong!!!!


inuulit ko po, maraming salamat...malaking salamat sa pagbabasa ng aking istorya, wala naman po ako makukuhang pera sa pagsusulat... gusto ko lang ishare yung mga nangyayari sa buhay ko... chismoso kasi ako...lol!


PS. 

hindi ko alam kung kelan ko uumpisahan ang part 4. hehehe!

Mga Komento

  1. Ang inaabangan ko talaga dito eh yun part na magkasama na kayo ni jane.. tapos nasa kwarto kayo hahahaha! kelan ilalabas yun? lol

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)