Part FOUR: Ang paghihiwalay namin ni kaibigang Bogart
Ilang oras nalang at lalapag na kami sa dubai... Kung paano ko nalaman? meron yun sa touch screen monitor sa harapan mo pag nakasakay ka na ng eroplano... sa mga nakasakay na, wag nang pansinin pa.. hehe! Malapit na ang takdang oras na magkikita kami ng asawa ko sa DUBAI Airport at maghihiwalay naman kami ni bogart...
Narinig ko na naman yung piloto na nagsasalita ng kung ano ano sa mikropono, mukhang chinese yung piloto kaya hindi ko masyado naintindihan yung english niya, inantay ko nalang yung isang cabin crew na magsalita at sigurado ako dun na maiintindihan ko siya... isa pa, ang ganda talaga ng stewardess na yun! nakalimutan ko lang hingin yung number at baka hindi rin ibigay.
Ilang minuto na din ang lumipas at kami'y nakalapag na sa dubai airport, medyo kinabahan ako nung pa-landing yung eroplano kasi naman sobrang alog at masakit sa tenga, akala ko huling sakay ko na yun ng eroplano... ang ginawa ko, nagdasal nalang ako na kung ano man ang mangyari saken, sana ipanalo naman ni papa Jesus si nanay sa lotto para naman makaahon na siya sa hirap... at dahil magaling yung piloto namin (si papa Jesus) ayun nakalapag kami ng maayos sa lupa na sinimento ng mga ibat ibang lahi na halos karamihan pinoy.
Nakaramdam na naman ako ng excitement, hindi ko maipaliwanag kung ano yung nararamdaman ko sa mga oras na yun... hindi ko alam kung iihi ba ako o iinumin ko yung orange juice na hindi ko naubos na bigay ng stewardess na sobrang ganda! Nagpapawis na ang mga kamay ko dahil natetense ako at sobrang excited na na makita ang dubai airport at ang buong dubai, at syempre excited din ako na makita ang asawa ko na ilang buwan ko ding hindi nadampian ng labi...hahahaha!
Nagtayuan na naman ang mga tao, hudyat na naman ito na pwede nang lumabas ang mga pasahero sa loob ng eroplano, yung iba kinuha na yung mga dalang gamit dun sa lagayan sa taas ng ulo, yung iba naman sa ilalim ng upuan at yung akin nilagay ko lang sa likod ko at ready na rin akong lumabas.
Habang naglalakad sa loob ng airport, ako ay sunod lang ng sunod sa mga kasabay ko, malayo yung binabaan namin hanggang dun sa immigration ng dubai, parang naglakad kami ng hindi naman aabutin ng 805 meters siguro yun, pero malayo talaga. Habang naglalakad, palinga linga ako sa paligid na parang galing probinsya na kakarating lang ng manila, tapos may nakita ako na kung tawagin nila eh arabo or local na nakasuot ng parang daster na puti na may pulang shemag sa ulo, meron din mga babae na nakakumot yung ulo na mata nalang ang makikita, meron din mga babae na ang tatangos ng ilong... may nakita din ako dun na parang mga badjao na natutulog sa loob ng airport, siguro nag aantay yun ng flight nila, at ang hindi ko makalimutan ay yung mga stewardess na nakasalubong ko na hindi ko alam kung anong lahi yun, hula ko baka moroccan yun... ang gaganda ng mukha, ang kikinis, ang tatangos ng ilong, basta! kulang nalang sabihin kong perfect... alam mo yung joke ng mga manyak kong kaibigan sa tipidpc pag nakakita ng maganda eh sasabihin "pare, ihi nalang ang pahinga ko diyan pag natikman ko" pero syempre alam ko naman na joke lang nila yun... at sinong tao ang mag seseks na ihi lang ang pahinga?? OA diba? pero try ko nga minsan kung totoo nga at kung kaya ko...hahahahahaha~ peace!
Nagkita kami ni kaibigang bogart sa escalator, nagtanong ako kung andiyan naba yung sundo niya, sinagot niya ako na hindi pa niya alam kung andiyan na... yung isa naming kasama mukhang may kilalang negra dun sa loob na maitim yung kulay, baka naging boss niya yun.. babae yung sinasabi ko na nanny dito sa UAE.
Diretso lang kami sa paglalakad ni Bogart hanggang marating na namin yung pila sa immigration ng dubai, sobrang dami ng tao, akala ko kami lang ang bumaba ng eroplano, yun pala may mga kung saang bansa din nanggaling yung iba... dun ako pumila sa babaeng immigration officer, hindi ko naman sinadya na andun pero dun talaga ako napunta...kasabay ko nun si bogart at nauna lang ako sa kanya.
Ako na next sa IO, medyo kinakabahan at baka latiguhin nalang ako bigla nung mga naka daster ng puti...hehehe! nung natapos na yung isa, agad naman akong pumunta sa IO, then bigay ko yung passport at visa ko sa kanya, then papaharapin ka sa eye scanner nila at pipicturan ka nun...(wag kayong mag alala, hindi ito nakakabulag) then after nung eye scanner, ulo mo naman ang pipicturan dun sa isang camera uli..then after nung mga yun (eye scanner at head shot) tapos ka na, pwede ka nang umalis sa harap ng IO at kunin yung check in baggage mo dun sa umiikot ikot na hindi ko alam. (wag kalimutan kunin yung passport at visa sa IO)
Inantay ko si bogart hanggang siya ay matapos dun sa IO at para sabay na namin antayin yung aming bagahe dun sa umiikot ikot, nag antay kaming dalawa dun, nakalipas na ang kalahating oras wala pa din yung bagahe namin, umikot na ako dun mismo sa nilalabasan talaga para makikita ko kagad pag lumabas na...nakalipas na naman ang sampung minuto at wala padin yung bagahe ko... nung oras na yun, hindi ko na natatanaw si bogart, hindi na siya nakikita ng mapupungay kong mata... hindi ko na alam kung ano ba nangyari sa kanya, hindi pa naman siya marunong mag english...andami kong iniisip nun, na baka kinuha siya ng mga local dun at tirahin sa ano...basta yun yung sinasabi nila dito na dapat magpatubo ako ng bigote at balbas para hindi ka uuwi ng pilipinas na may almuranas...hahahaha! pero seryoso, hindi ko talaga siya nakita na after kong lumipat dun sa pinakaunahan...hinanap ko siya sa paligid pero wala talaga... :( paalam kaibigang bogart, sana ay nasa magandang kalagayan ka ngayon at hindi pa-ika-ika ng lakad. lolzx XD
Isang oras na ang nakalipas hindi ko parin makita yung bag ko na nakuha ko sa ekschensgip nung 2012 (salamat kay mam deth tumambing na seksi) search niyo nalang, friend ko siya sa FB..hahaha!
Nagtataka ako kung bakit puro SQ (singapore airlines) lang ang lumalabas dun sa umiikot ikot, naiinis na ako, andami ko nang iniisip na baka tinago yun ng mga lokoloko sa airport... langya bigla akong tumingala, nabasa ko SQ9217 pala yung mga bag na yun... peste kanya kanya palang eroplano yung naikot ikot na yun... eh di ang ginawa ko, hinanap ko yung CX731.
Sa wakas nakita ko din yung bag ko na nakalapag na sa semento na gawa na naman ng ibat ibang lahi na karamihan ay pinoy. Nagulat ako nung nakalabas na yung short ko na kulay blue na binili ko pa sa puerto galera nung nag company outing kami sa SeaHawk transport noong May 24, 2011, yun pala napunit dahil sa kakatapon siguro ng mga hindi maingat na cargo loader and unloader sa airport.
Kinuha ko na yung bag ko at umalis na at hinanap yung way kung saan palabas ng airport at nagtext na asawa ko na andun na siya sa labas nag aantay sa gwapo niyang asawa.. syempre nagtanong na naman ako sa isang lady guard dun na mukhang halimaw kung saan yung exit, at sinagot naman niya yung tanong ko at tinuro niya yung daan palabas.. at nagsabi ako ng thank you. (isa ito sa mga aral na nabasa ko sa ibat ibang libro na dapat lagi kang magsabi ng thank you kahit sa pag abot lang ng sukli sa jeep) THANK YOU!
Habang naglalakad palabas, pa-ikot ikot yung mata ko, hinahanap ko na yung seksi kong asawa na straight ang buhok. at wala pa ngang 36 seconds, nakita ko na siya na kumakaway saken na parang sa korean movie. Sumenyas siya dun sa way na dapat kong daanan at sinunod ko naman siya, then ayun na, nagkita na kami...pero kahit miss na miss ko na siya, hindi ko magawang halikan siya or i-hug... syempre hindi naman ito pinas at hindi ko naman alam ang batas dito..kaya nag ingat talaga ako at nag pigil... papasaan din at ilang minuto nalang eh nasa bahay na kami... at ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ako naligo pagdating dito...hahahaha!
Kinamusta ako ng asawa ko kung kamusta yung byahe, kung ok naman ba..sabi ko ok lang kahit medyo maalog, gusto ko ngang magjoke nun, sasabihin ko na flat-an kami sa ere, kaso alam ko naman hindi siya matatawa kasi corny yung ganung joke... hehehe!
Hindi niya alam kung mag train ba kami o mag taxi, pero bandang huli nagsabi siya na mag taxi nalang daw kami at gutom na siya... nagkamali pa nga kami ng akyat, kasi naghahanap kami ng taxi na hindi airport taxi, parehas lng din kasi ang pinas at dubai sa airport taxi..ang flag down ng airport taxi dito, 30 dirhams kagad.. pero ang hindi airport taxi 3 dirhams lang... see the difference? (kuha ng calculator pindot ng 30 minus 3 equals 27) so 27 ang difference... same din diyan sa pinas diba? pero mas KUPAL ang mga driver diyan sa pinas kesa dito... dito medyo kupal lang...hahahaha!
Hindi niya alam kung mag train ba kami o mag taxi, pero bandang huli nagsabi siya na mag taxi nalang daw kami at gutom na siya... nagkamali pa nga kami ng akyat, kasi naghahanap kami ng taxi na hindi airport taxi, parehas lng din kasi ang pinas at dubai sa airport taxi..ang flag down ng airport taxi dito, 30 dirhams kagad.. pero ang hindi airport taxi 3 dirhams lang... see the difference? (kuha ng calculator pindot ng 30 minus 3 equals 27) so 27 ang difference... same din diyan sa pinas diba? pero mas KUPAL ang mga driver diyan sa pinas kesa dito... dito medyo kupal lang...hahahaha!
At dahil anong oras na at nagka lito lito pa kami sa napuntahan namin na parking lot pala, napagdesisyunan nalang namin na mag airport taxi kami...so ayun, sumakay kami ng airport taxi na ang driver egyptian na mukhang halimaw sa banga..anlaki kasing tao..hehehe! Pagkapasok ng asawa ko, sinabi niya kagad kung saan kami pupunta, ito namang driver nag drive lang hanggang sa hindi na alam ng asawa ko kung saan na kami...kasi nga ang akala niya alam na ng driver kung saan kami pupunta...yun pala umiistayl lang si halimaw sa banga para lumaki yung metro niya. Naiinis na asawa ko dahil sa gutom siguro, nakikipagsagutan pa siya dun sa driver na mukhang halimaw... ako yung naiilang at baka magalit yung driver, anlaki pa naman...baka hindi ko kayanin..hahaha! ilang minuto na din ang nakalipas at building na din kung saan kami nakatira. inabot ng asawa ko yung bayad na may kasamang galit at gustong humingi ng resibo (para siguro sa pagsumbong sa RTA) hahaha! pero hindi siya nabigyan ng resibo, sabi ko nalang na tara na hayaan nalang at gabi na at isa pa gutom na siya.
Pasok sa building, pindot sa elevator, pasok sa loob, pindot ng number 3 (3rd floor) labas sa elavator, liko sa kanan, liko sa kaliwa.. yung pinakadulong pinto, yun yung flat namin..room 302... hindi ko na ibibigay yung buong address at baka kunin niyo pa yung netbook namin dito...baka hindi na ako makapagsulat next time...hahaha!
Hanggang dito nalang muna ang aking kwento... yung next story ay magsisimula na sa Day ONE sa Dubai.. sana maalala ko pa yung day 1 ko dito hanggang sa panahong ito..hehehe! pero nag iinom naman ako ng gatas dito na may choco at choco na may gatas kaya im pretty sure maaalala ko pa yun... ano na nga ulit na part ito??? hahahaha!
Sa lahat ng aking taga subaybay, maraming salamat sa pagbabasa, kayo po ang inspirasyon ko... kayo po ang lakas ng loob ko dito sa dubai... alam niyo naman ang buhay abroad..sobrang boring...wala kang nakakausap na gago dito at wala din akong nakakalaro sa basketball at nakakainuman tapos magwawala! hahaha! yun ang wala dito... amen!
ito na naman ang reward sa mga magbabasa...
SHARE sa FB: dagdag life span ni Jim Santos
Like: Tutubo yung buhok ko sa may Noo
Comment: Show of appreciation.
SALAMAT/THANK YOU/ KAMSAHAMNIDA/ PESTENG YAWA
#diladila
sa part five na ba yung inaabangan ko? yung gagawin nyo after kumaen? hihihihihihihi
TumugonBurahin