Part ONE: Ang inaantay ng lahat (assuming lang)

Araw ng Mayo kwatro dosmil trese, ito yung araw na kelangan ko ng ayusin lahat ng dadalhin ko papuntang abroad, mga damit, pasalubong, papeles ko para sa pag apply dito sa dubai at mga ipapakita ko sa immigration officers diyan sa Pilipinas.

hindi ko alam kung panu ko uumpisahan ang pag kwento ng istorya ko, ang gulo ng isip ko..hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung lalagyan ko ba ng joke o hindi... kung i-englisin ko ba o hindi... buti nalang naisip ko na hindi ako gaanong marunong mag english..kahit alam kong kaya ko! echos lang... lol


ito na.... inabot ako ng antok sa sofa kung saan nakaharap kami sa telebisyon. kasama ko sa sala noon ang dalawa kong kapatid, ang isa ay bakla na, at ang isa naman hindi pa sigurado.. (sana wag naman!) andun din yung pinsan ko na feeling gwapo at yung tita ko na ubod ng sungit (wala kasing asawa) lol!


nung dumating ang oras ng pagtulog, sabi ko sa tita ko na doon nalang ako matutulog sa sofa at maaga nga din naman ako gigising at maaga akong aalis ng cavite dahil sa umaga ang aking flight patungong Hongkong. hindi ko alam kung may hang over pa ako that time o wala, kasi nga sobrang antok ko nun, hanggang sa namalayan ko nalang na ginigising na ako ng tita ko. Nagulat ako na parang natuwa, kasi nga araw na yun ng pag alis ko sa bansang pangit ang pamumuno ng iba pero mahal ko!


pagkatingin ko sa relo, alas dos kwarenta i-singko na... kelangan ko nang mag ayos dahil kelangan kong makarating sa airport bago mag alas singko o mas maaga pa, para hindi ako pipila ng sobrang haba sa check in counter at sa immigration.


Sa totoo lang, nakakahiya mang aminin dahil sa sobrang eksayted ko sa araw na yun, hindi na ako naligo dahil sobrang lamig ng tubig at wala kaming heater doon...haha! pero keri lang kahit walang paligo.. pinaligo ko naman yung paborito kong Bench 8 at sinuot ko yung bago kong damit.. at isa pang pinanghahawakan ko ay yung sinabi saken ng nanay ko bago ako umalis ng aklan na GWAPO daw ako... haha!


ituloy na natin ang kwento..


ayun akyat baba ako sa taas ng bahay, tsinitsek ko kung may naiwan ba ako na brip or papeles at padala, sa awa ng diyos wala naman akong naiwan. Hindi ko alam nun kung gigisingin ko pa dalawa kong kapatid para mag paalam, pero hindi ko nalang ginawa at baka maiyak pa sila...at baka pati ako maiyak na din..hehe!

Tita ko ang naghatid saken sa labas ng bahay habang bitbit ko ang backpack ko at isang mabigat na travelling bag... hindi na ako bumili ng maleta at ayoko naman maghila-hila nun sa airport na akala mo may madadatnang trabaho sa dubai! simpleng lakad lang ang dating ko nun... pero ambigat talaga ng bag ko... baka nasa 13 kilos yun...hindi ko na kinilo at wala din naman kaming kilohan..saka confident naman ako na hindi aabot yun ng 20 kilos na allowed sa tiket ko.


Sumakay na ako ng trysikel na ang bayad mula dun sa subdivision hanggang kanto ng manggahan kung saan ako sasakay ng bus papuntang airport ay trenta pesos lang... dumating kami sa manggahan ng alas tres y-medya, antay ako ng bus syempre...habang nag aantay ako ng bus, nagdadasal ako na sana ok ang magiging byahe ko at perstaym kong sasakay ng eroplano palabas ng pilipinas.


Alas kwatro y medya dumating ako sa coastal mall galing ng cavite, nag abang ako ng jeep na walang laman para hindi hassel sa dala kong bag, sa awa ng diyos nakasakay naman ako... nga pala hindi ako nag taxi dahil ang singil saken 150 pesos, samantalang sa jeep otso pesos lang ang pamasahe at pwede mo ng lakarin papasok ng NAIA terminal 1.


dumating ako sa airport, pumila ako sa pinto dun sa may lady guard... dahil siguro madaling araw palang nun kaya hindi masyadong mahaba ang pila. Pinakita ko ang aking pasaporte at e-ticket at diretso na ako sa loob... lagay ng bag sa scanner (xray machine), yung cellphone dapat sa loob ng bag. After checking my belongings, (english yan!) dumeretso na ako dun sa may check in counter na may seksing babae na nakasuot ng medyo kulay pula na parang titser at nagtanong ako kung pwede na ba ako pumila kahit yung flight ko 8:30 pa... sumagot naman ang seksing babae na ok lang ser..


Syempre pumila naman ako, then biglang may lumapit na babae saken na may binibigay na maliit na papel na pinipil-up-an, yun pala ang binibigay sa immigration officer. so ayun nga, sulat ng pangalan, edad, bertdey, trabaho, civil status, favorite drink, favorite actor, and what is love. (yung huling tatlo ay joke ko lang!)


pagdatig sa dulo, syempre ako na... sabi ng babae na sexy at maputi;

Babae- ser passport po.
Ako- ito po miss oh.
Babae- check, check, check, check., ser, e-ticket po.
Ako- ito miss oh, sa isip ko pa, pusang gala bakit hindi pa sinabay yung paghingi! hehe

Pindot ng pindot yung babae sa computer nya, na parang pinag iisip pa nya ako na fake yung dala kong e-ticket.. haha! hanggang sa may tinanong sya dun sa katabi nya, tapos hindi naman nasagot nung katabi nya, pumunta nalang sya dun sa visor nya yata yun na medyo malayo sa kanya... then after nun nag OK na din yung e-ticket ko... makakapag issue na siya ng boarding pass ko to HKG and HKG to DUBAI.


Pero meron pa pala ako problema, at dahil tourist yung visa ko, kelangan ko palang mag bayad ng travellers tax na nagkakahalaga ng 1620 pesos at terminal fee na 550 pesos! napa what the fuck ako nun! kasi nga isang libo lang ang pera ko sa bulsa... sabi ko kay babae na short ako sa pera kaya babalikan ko nalang yung boarding pass ko. Parang mababaliw ako nun kakaisip kung saan ako kukuha ng ganung halaga, nag try ako tumawag sa mga kaibigan ko pero walang sumasagot... so medyo nagdasal na ako nun na sana magising ko tita ko... then bigla kong tinawagan tita ko, ilang ring lang at sumagot na sya ng hello..at mapapansin pa sa boses nya na bagong gising talaga...


At sinabi ko nga sa kanya na kulang yung pera ko at may mga babayaran ako sa loob ng airport, at dahil pinanganak na mahilig sa stress yung tita ko, ayun naistress sa akin...hahaha! sinabi ko sa kanya na kung pwede manghiram muna ako.. buti nalang at malapit lang siya sa airport umuuwi, dahil kuNg cavite pa siya nun...baka hindi ako natuloy dito sa dubai..hehe! buti nalang wala pang 6am nung nagka problema ako sa pera, kung nagkataon na malapit na boarding time ko, baka isa ako sa mga na-offload ng eroplano. Pero mabait parin naman ang diyos sa akin kaya nya ako pinatuloy dito sa langit ba to o empyerno...hahaha!


Dumating ang tita ko ng 6:30am sa airport, inabangan ko nalang yung taxi na sinakyan nya na teneks nya saken ang plate number para madali kong makita...at ayun nga nakita ko siya at sinalubong, binuksan lang ang pinto at inabot sa akin ang pera at diretso uwi na siya... makikita talaga sa mukha nya na kahit naka lipstick, halata paring bagong gising, pero wag ka! maganda tita ko... diba?? (yung diba para lang sa nakakakilala sa tita ko kaya wag kang epal) lolzx!


Nasa akin na yung pera, papasok na ako sa loob, hindi na ako pumila dun sa lady guard dahil nga galing ako sa loob na... nagpa Xray machine lang ako para sa aking bag, syempre nilagay ko na naman cellphone ko sa bag... kinuha ko na yung bag pagkatapos ng xray at diretso na ako dun sa pilahan ng nagbabayad ng travellers tax. After ko makapagbayad, bumalik ako dun sa babae na sexy, then pinakita ko na sa kanya yung resibo ng travellers tax at binigay nya rin sa wakas ang aking boarding pass.


Pasok ako sa loob ng immigration, pero bago ka makapasok dun, kelangan mo muna magbayad ng 550 para sa terminal fee. after ko makapag bayad, pumila na ako sa immigration officer para diretso na ako sa loob.


Nung ako na dun sa harap ng immigration, binigay ko na yung passport ko at yung maliit na papel na binigay ng magandang dilag nung pumipila pa ako sa check in counter, at inabot ko narin yung affidavit of support at yung visa ko.


syempre asyuswal tatanungin ka ng immigration officer kung ano gagawin mo sa dubai...

at ito nga ang tanungan portion:
tingin tingin yung IO sa mga dokumento ko...

IO: ano gagawin mo sa dubai?

AKO: visit po sa asawa ko
IO: ano birthday ng asawa mo?
AKO: Nov. 24 po.
IO: anong year?
AKO: 1983 po.
IO: ah ok... ano name ng tatay nya?
AKO: ahmm.. nakalimutan ko po, patay na kasi matagal na.
IO: Nanay niya.
AKO: Juanita po.
IO: diba sabi mo asawa mo si maryjane, bakit dimafeles parin gamit nya?
AKO: kakakasal lang po kasi namin nung December 8 last year kaya hindi pa po sya nakakapag change status at apilyedo sa passport.
IO: nasa iyo ba ang original copy ng Marriage certificate niyo?
AKO: Opo mam. (sabay kuha sa bag na pula na NIKE ang brand)
IO: ahh ok.. ano nga ulit gagawin mo sa Dubai?
AKO: visit po sa asawa ko.
IO: kelan ang balik mo ng pinas?
AKO: June 2 po.
IO: siguraduhin mong babalik ka ha, baka mag apply ka ng work dun.
AKO: ay hindi po (sabay angat ng kamay na parang naka panatang makabayan para mag pramis) pero syempre akin akin lang yun para maniwala siya..hahaha!
IO: promise talaga yan ah... sige papapasukin na kita, pero bumalik ka sa June 2.
AKO: ok po, maraming salamat po.

at yan ang tanungan portion sa immigration... nga pala, babae po ang nagtanong sa akin at medyo kaedad ko lang... or pwedeng mas matanda ako sa kanya ng tatlong buwan, pero hindi po ako sigurado, baka nga araw lang...


7:30 am, pumasok na ako sa loob ng airport para hanapin yung gate 15 na nakalagay sa boarding pass ko... hanggang sa nakita ko na yung gate 15 at pumasok na ako sa loob... pero ang hindi nyo alam, sobrang nilalamig na ako dun sa loob, dagdag pa ang kaba sa immigration officer.. lolzx!


pagpasok ko dun sa gate 15, pinunit lang ni kuya yung kalahati ng boarding pass ko at dumiretso na ako sa loob. umupo at palinga-linga na parang kumakanta ng bahay kubo...


At naisip ko nang magtext or mag group message sa mga kaibigan at mga kaaway ko na naiinggit sa kagwapuhan ko. ayun sobrang dami ng reply. sabi nila ingat daw ako, see you soon at kung ano ano pa na hindi naman nakakaiyak.


then after ko maisend yung GM ko, dun ko na in-activate yung roaming on and send sa 333, smart kasi ako...hehehe! after kong maactivae, hindi na pala ako pwedeng tumawag, tatawagan ko sana nanay ko para sabihing in 45 minutes papasok na ako sa eroplano, pero hindi na pala pwedeng tumawag pag naka roaming na.


Mahaba na yata tong kwento ko na walang kwenta... gagawa nalang ulit ako ng continuation para sa aking nag iisang follower na si Xan Gerna! hahaha!


salamat sa pagbabasa ng walang wentang istorya...lolzx!


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)