Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2014

Ala-ala ng nakalipas

Imahe
Asyuswal wala na naman akong ginagawa, kaya heto at gagawa na naman ako kung ano laman ng utak ko ngayon kahit wala akong kinaing almusal bukod sa kape na may halong gatas. Sa mga nakaraang araw, lagi ako nagpupunta sa pinagtatrabahuhan ng aking asawa.. Minsan dumidiretso na ako dun pagkagaling sa trabaho, tambay ng tatlo o apat na oras. Ginagawa ko yun ng hindi ko din alam...haha! O baka gusto ko lang bumawi sa mga kasalanan ko sa misis ko. hehe! Dahil para sa mga bata yung pinagtatrabahuhan ng asawa ko, expected marami talagang bata... at marami din nanay na magaganda (bonus) LOL! kaliwali yung mga nanny... chos! XD Ang ginagawa ko dun, paikot-ikot lang, tingin dito tingin diyan tingin doon... Siguro natutuwa lang ako makakita ng mga bata na naglalaro. Hindi ko kasi naranasan yung mga ganung bagay nung maliit palang ako. Base sa fresh kong ala-ala, puro teks, goma, kaha ng sigarilyo, balot ng kendi at tansan lang nilalaro ko noon at nung grade school na, patotoy naman nilalaro