Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2011

Ako nga pala si Alexis Sevilla III

ang taong may ginuntuang puso... XD  hehehe! Isa ako noon sa mga batang kulang sa luho... Isa ako noon sa mga batang DOS lang ang baon sa school. Isa ako noon sa mga batang nakikipaglaro ng luksong baka, tagu-taguan, patintero at tumbang preso. Isa ako noon sa mga batang kinakagat ang eraser ng monggol na lapis para lumabas. Isa ako noon sa mga batang isang kahig isang tuka. Isa ako noon sa mga batang nagbebenta sa school ng pagkain para may dagdag sa baon. Isa ako noon sa mga batang kulang sa laruan. Isa ako noon sa mga batang hindi marunong magtagalog. Isa ako noon sa mga batang hindi nakakaintindi ng english. kung ikekwneto ko pa ang naging buhay ko mula pagkabata hanggang ngayon, baka kulangin ang 24 hours sa pagbabasa ng istorya ko.

kung panu ako naging AKO

tubong Ibajay Aklan, may alam sa englis at tagalog (pero dati hindi)... hahaha! lumaki sa hirap at may konting desiplina na kaya kong ipagmalaki. nakapag gradweyt ng dalawang taon sa kolehiyo AHRM (nakz) lol! music lover, kahit anong kanta mahilig ako...wag lang yong sigaw ng sigaw...hahaha! nung nakapag edad ng 25, nakahiligan ang pagiging MANINIYOT (photographer)... nung una syempre patapon lahat ng shots (sino ang una na magaling kaagad???) pero habang lumilipas ang mga buwan, medyo nag iimprove naman ako kahit papanu... kasi inspired...haha! yon ay sabi lang nila... tumatanggap ako ng inbitasyon sa binyag, bertdey, kasal at kung ano ano pa... at hindi po ako tumatanggap ng bayad o talent fee.. kusang loob po na binibigay o binabahagi ang aking talento... nakz ulit! hahaha... peborit color ko po ang PINK ... kaya pasensya na kung puro pink ang nakikita niyo sa blog ko na to...hehehe naging peborit ko to dahil sa crush ko nung college na hindi ko naman naging JOWA... h