Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal
Habang nakaupo at nag iisip ng kung ano ano... biglang may nagsalita sa mikropono na ang aming sasakyang eroplano ay boarding na, ibig sabihin nun, pwede na kami pumasok sa loob at umupo at magrelax sa parang malaking bus sa EDSA. Iba yung way ng mga nasa business class, iba rin yung way ng mga nasa economy class..
Ang kaibahan lang ng business class, malayang nakakagalaw ang paa nila, malaki ang espasyo na parang pwede ka ng humiga..hehe! then ang iba pa ay sa pagkain at alak.. syempre nagbayad sila ng mahal kaya mahal din yung kakainin nila at iinumin.. at yung lcd monitor din pala nila mas malaki kesa sa economy class... take note, lahat ng upuan meron lcd monitor na touch screen, im not sure kung 7" ba yun o 8", basta kayo na bahala magsukat pag nakapag abroad din kayo...(magdala kayo tape measure) hahaha XD
Dumating ang 8:35am, nag salita na ang piloto at mga cabin crew na ayusin na lahat ng seatbelt at maya maya lilipad na kami, then magsasalita ulit ang babaeng cabin crew about sa mga churva chenes ng eroplano, na kung babagsak naman or magkaroon ng malfunction ang eroplano, 1% lang naman ang chance na may mabubuhay! hahaha!
Mararamdaman mo ang bilis ng eroplano habang tumatakbo sa runway at biglang aangat na parang binabaliktad ang bituka mo! maya maya eh makikita mo nalang sa bintana na anliliit na yung mga malls at bahay na malalaki nung nakikita mo pa sa lupa, at maya maya ulit, yung dati mong tinitingalang ulap, ngayon niyuyuko mo naman yung ulo mo sa bintana para makita mo kung kulay puti nga ba talaga at nagbabakasakali kung makakita ng tubig...hahahaha!
Dalawang oras ang byahe mula pilipinas hanggang hongkong, mabilis lang kung palatulog ka, pero kung nag aantay ka ng oras at hindi ka marunong gumamit ng monitor nila na touch screen, siguradong maiinip ka. (ganyan ang nangyari saken) kung saan 30 minutes nalang at lalapag na ang eroplano, saka ko siya natutunan na ita-touch lang pala yung lintek na monitor na yun para lumabas lahat ng program.
Touch-touch kunwari habang walang tumitingin saken, ayun naka chamba at biglang lumabas yung mga icons...lol! pindot pindot hanggang makita ko yung music icon, then pindot ulit, tapos nakita ko na yung mga albums ng kung sino sinong singer, at wag ka, andun din yung mga singers natin nakahilera na ang kanta halos 85% eh revival from other countries...hahaha! andun yung kanta ni jovit baldovino, bugoy drilon, nina, p-pop, sino pa ba? basta halos lahat ng sikat sa pinas parang andun... hinahanap ko yung kanta ni willie revillame na idol ko pero wala! nakakadismaya yung eroplanong yun... dun ako nakaramdam ng diskriminasyon.. hehehe! joke lang.. :P
Habang nasa ere ako, hindi ko lubos maisip na akoy nakakalabas na pala ng bansang pilipinas. Nakaramdam ng konting lungkot at konting saya, halos pantay lang, 50/50 kumbaga... malungkot kasi may iiwanang pamilya, friends, ex-gf at yung napamahal saken na alagang aso ng tita ko. :( pero ok lang, kasi pagdating ko naman sa dubai, magsasama na kami ng misis ko na matagal na niyang wini-wish kay Lord...hehehe!
Hindi na ako natulog sa eroplano sa loob ng dalawang oras, ang ginawa ko lang, pindot ng pindot sa monitor at nag aantay ng meryenda na libre na galing sa eroplanong sinasakyan ko (Cathay Pacific). isang malaking tinapay na may palaman na keso at hotdog at hiniwang pipino na favorite ko pag may suka. lolzx! saka meron free drinks na mapagpipilian, meron coke, sprite, wine, tea, apple juice, orange juice, kape at syempre ang walang kamatayang TUBIG.
Ilang minuto nalang at lalapag na ang eroplano sa hongkong, malalaman mo yun kasi magsasalita naman ang piloto sa mikropono..hehe! makakaramdam ka din ng pag alog ng eroplano sa ere na parang bus sa EDSA na akala mo may nadaanang lubak, hindi ko alam kung bakit naalog, siguro nga may lubak sa ere...hahaha! pero hula ko, baka sa lakas ng hangin or sa mga tumigas na clouds, pero hindi eh, usok lang ang clouds.. cloud 9 lang naman ang medyo solid eh... diba??? corny na... achechecheche!
Nakalapag na ang eroplano sa hongkong, feeling ko nun hindi lang ako ang tanga, kasi halos yung iba isuksok ang ulo sa bintana para lang makita ang kabu-u-an ng hongkong airport. Syempre photographer daw ako, kaya kumuha ako ng ilang shots ng eroplano na palipad..basta lang na kumuha para ipagyabang na nasa hongong airport na ako. hahaha! after ko makakuha ng isang shot, binalik ko na sa bag kong NIKE yung camera ko.
Nagtayuan ang mga pasahero, yun pala ang hudyat na pwede nang lumabas ng eroplano at pumasok sa loob ng hongkong airport, dahil sa hulihan ako, ako yung huling nakalabas bitbit yung bag kong pula na NIKE. Mahaba-habang lakad din bago nakarating dun sa Xray machine ng hongong airport at nilagay lahat ng barya at cellphone sa basket nila para idaan dun sa machine, titignan yata nila kung meron kang dalang sakit sa bag at sa barya mo... pati sinturon ko pinahubad, buti nalang nahawakan ko kagad pantalon ko, dahil kung hindi baka nakita nung kasunod ko yung mala pwet ng kaldero kong pwet...hahahaha! joke lang... :P
Habang naglalakad, may mga nakilala akong kabayan na papunta din dito sa dubai, yung iba galing sa bakasyon sa pinas at bumalik dito sa dubai para magtrabaho ulit, yung iba naman katulad ko ding perstaym at visit visa din. Nakilala ko lang sila sa kwentuhan,, pero hindi ko naitanong mga pangalan nila... ang lagi kong kasama sa airport ay yung taga davao na 26 years old na may dalawang anak, lalaki siya at medyo nasa 5'5" ang taas, hati ang buhok, medyo brown ang mata, matangos ang ilong at meron nunal sa ibat ibang bahagi ng mukha, if wanted po sya sa Davao, ipagbigay alam po kagad na andito na siya sa Dubai UAE. salamat po.
Anim na oras kami sa Hongkong, dumating kami sa hongkong ng 10:05am, ang alis naman galing hongkong papuntang dubai 4:30pm, at dahil wala naman akong alam sa hongkong at ang sabi pa nila malayo daw ang city sa airport, hindi na ako nag isip na pupunta ng city at wala naman ako gagawin dun... kung mayaman lang sana ako, eh di nagpunta na ako ng Disneyland or nagsugal sa Macau, anim na oras din kasi yung ititigil mo dun sa airport, medyo nakakabagot dahil wala ka namang gagawin kundi umupo, lumakad, patingin tingin sa mga nadaang pasahero na karamihan naman puro chinese, bakit kaya??!?-
Nakaramdam ako ng gutom dahil hindi ako nakapag almusal sa bahay bago umalis, inaya ko yung kasama ko na mag hanap ng makakainan para magkalaman naman yung aming tiyan, sumama naman si Bogart (hindi tunay na pangalan), bago kami naghanap ng makakainan, nagpapalit muna kami ng dala naming pera, at ang mali namin, akala namin USD ang ginagamit sa HKG airport, yun pala HKG dollar din pala ang ginagamit, ay shunga! (sorry perstaym) nakapagpalit pa naman kami ng 500 pesos (10 dollars) 47 pesos ang bilihan ng dollar sa hongkong. (1 usd= 47 php)
Habang nag iikot para makahanap ng makakainan, dun kami napunta sa fine dining na resto, linshak na presyo ang mga nandun, akala mo parang nasa Italy ka! ang mamahal ng pagkain... Hangang sa napagdesisyunan nalang namin na wag nalang kami kumain at sa eroplano naman eh merong ibibigay na meryenda at hapunan.
Dumating ang alas dos ng hapon, dalawang oras nalang para sa boarding time, pinuntahan namin yung bulletin board na may mga information ng flights at gates kung saan ka sasakay ng eroplano, at yun nga nakita ko yung flight ko na CX731 na nasa gate 4 ang pasukan. Niyakag ko na yung kasama ko na taga Davao, sabi ko gate 4 yung gate natin, punta na tayo dun at dun na tayo magpalipas ng oras, hanap hanap kami ng daan kung saan mabilis, wala kaming mahanap kaya nagtanong kami sa information ng airport, then ayun tinuro ng chinese na babae na marunong mag english at sinabi nya na straight til end then turn right.
Sinunod namin yung sinabi ng chinese na babae, lakad kami ng sobrang layo para lang marating yung end na sinasabi niya, then turn right din kami, tingala kami para tignan ang mga signage kung saan papunta yung gate 4, then we follow the instruction lang hanggang narating din namin yung gate 4. Pagkadating namin, merong mga tao na pumipila, ang akala namin, yun na yung pila namin papasok sa boarding gate, eh di ang ginawa namin, pumila din kami... nung konti nalang ang tao, biglang may tumawag samen, "kabayan, kabayan papuntang san francisco yang pila na yan, diba dubai din kayo?" walanjo, hindi pala yun yung pilahan papasok sa gate 4! eh di umupo nalang kami at nagtanong sa mga kabayan kung saan yung pila ng gate 4, sagot nung kabayan, mamaya pa daw alas kwatro dyes ang boarding, dideretso nalang daw tayo sa loob at wala nang pila-pila pa mamaya.
Itutuloy....................
masyado na namang mahaba ang aking kwento, itutuloy ko nalang ulit mamaya or bukas.
salamat sa pagbasa ng aking kwento na walang kwenta!
Pagpalain sana ang masipag magbasa.
Mabaog sana ang hindi nagbasa.
Ako si Mrs. Pertiwi Gesang mula sa Pangkal pinang, narito ang aking email kung gusto mong kontakin ako: pertiwigesang@gmail.com. Ibig kong ibahagi ang aking patotoo sa plataporma na ito tungkol sa kung paano nakuha ko ang isang $ 6,300 na pautang para sa venture capital mula sa isang lehitimong tagapagpahiram dahil, ako ay bumagsak sa utang at sinubukan kong humiram ng pera mula sa mga bangko at mga online lender ngunit palagi akong nabigo at ako scam hanggang nakita ko ang patotoo ng ina ni Ashraff Nabilah sa plataporma na ito tungkol sa kung paano siya nakuha ng pautang mula sa RIKA ANDERSON LOAN COMPANY. Nakipag-ugnayan ako sa CEO, si Mrs. Rika Anderson, noong nakaraang linggo, nag-apply ako para sa isang pautang mula sa ina ng Rika at nagulat ako, ang aking utang ay naaprubahan at pagkatapos ng 3 oras ng aking aplikasyon, ang halaga ng 90 milyon ay inilipat sa aking BCA bank account. Gusto kong payuhan ang lahat upang makahanap ng isang lehitimong kompanya ng pautang upang makipag-ugnay sa Ms Rika Anderson, CEO ng RIKA ANDERSON LOAN COMPANY sa pamamagitan ng email na ito: rikaandersonloancompany@gmail.com o W / S: +1 (914) 705-7484 at kumuha ng pautang .
TumugonBurahinRika Anderson email: rikaandersonloancompany@gmail.com
W / S: +1 (914) 705-7484
Email ng Pertiwi: pertiwigesang@gmail.com