Ang Bagong Yugto ng aking Buhay

Yuhooo... nandito na naman ako..

Alam niyo na siguro kung bakit may nababasa na naman kayo... kasi.. simple lang.... wala akong ginagawa!!! hahaha!

Dito ako ngayon sa office, this is my 4th day here.. so bali may naiipon na akong 400+ dirhams..lol

First day ko, wala akong ginawa kundi mag internet. FB, TPC, GOGOL, YAHOO, Company website at kung ano ano pa... kulang nalang PORN...haha! kaso bawal dito eh... iseshare ko pa naman sana sa indiano na bago din... Kaso ang tahimik niya dito... ewan ko kung bakit... siguro dahil hindi siya gwapo..haha XD

Yung Desktop PC ko pala ay walang MS Office, so wala naman IT dito kasi 5 lang kami sa isang opisina, ang ginawa ko..nag install ng utorrent at nag DL sa piratebay ng MS office..LOL! no choice eh...yung IT sa malayo pa manggagaling kaya ginawa ko nalang.. :)

Second day ko, ayun wala paren ginagawa...hindi ko alam kung bakit ako walang ginagawa.. tinuruan lang ako ng process ng trabaho dito sa UAE at kung ano ano pa... ayoko pa naman ng ganito.. sinasahuran ka tapos walang ginagawa.. nakakahiya sa company.. o baka nasanay lang ako sa schenker na may ginagawa kahit papanu...hehe! hayyy miss ko na ang schenker philippines... :)

Third day ko... kahapon lang yun... medyo may ginawa naman ako kahit konti...hehehe! Gumawa ako ng sarili kong powerpoint about dun sa process.. tapos after ko magawa, pinakita ko sa bisor at manager ko... ayun perfect daw..LOL! joke lang po... Basta pinakita ko lang sa kanila ginawa ko.. Hindi naman sila nagalit o kung ano man..sabi lang dun sa feedback eh... "well done, alex." Yun palang yun... how much more kung actual operation na? hmmmm... hehehe! #diladila

Fourth day ko... heto parang pinagpapala paren... kaso nakakahiya na talaga... yung coordinator nga dito hinihingian ko nalang ng trabaho... baka kako may papagawa.. kasi sino ba naman ang matutuwa na buong araw kang nakaharap sa PC mo na walang ginagawa.. ako lang naman diba? hahaha! puro lang ako FB, TPC, BLOG, YAHOO NEWS, GOGOL at mga kung ano ano pa... tapos 3 hours nalang uuwi na ako... hay buhay! 9 Hours sa opisina na puro upo, tayo, surf lang ginagawa... so boring... hehe!

Fifth day ko... oo bukas pa yun kaya wag kang eksayted...hehe! saka ko nalang ikwento kung kelan ko na naman maisipang gumawa ng kwento na walang kwenta...hahaha! Pero sana Restday ko bukas para wala akong kwento...hehehe! 5 days a week lang kasi pasok ko... pero minsan 6 days... 2 weeks na 5 days, 2 weeks na 6 days... ok na yun kesa walang trabaho diba? LOL!

HAYAHAY ang buhay ko sa ngayon... sana hindi ako mahirapan sa mga susunod na linggo or buwan.. sana hindi nakakapressure or nakaka stress yung work dito... pero tingin ko hindi naman eh... at isa pang wish ko... sana hindi ako magkaroon ng katrabaho na pangit ang ugali... gusto ko ako lang... hahaha!

O siya hanggang dito nalang muna yung liham ko...lol! see you again next time...

Salamat sa pagbabasa... :)

Ang inyong lingkod,

Napaka-poging alexis... hahaha! :P

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MONFER- Pangalang malupit, Umiiwas sa panlalait :)

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!