Nang Inampon si Alexis

REST DAY ko ngayong araw.. July 5, 2013, syempre bago maubos yung 24 hours ko na walang ginawa kundi kumain at mag internet, abay gumawa ako ng kung anu-anong pumasok sa utak ko... tulad ng pag gawa ng video ng mga ka-batch ko sa elementray sa Pinas. :)

...and the story starts in payb por tre tuu wan!


ICS BATCH 1997- Isa ito sa may mga maraming magaganda at gwapong alumnus sa Ibajay Central School sa Aklan... At nadagdagan pa nung sumali ako! hehe.. Every year ay nag aambagan ang mga magkakaklase para itayo ang bandera ng Batch para sa mga kung ano anong event. Madali namang makaipon ng pondo o panggastos sa pangangailangan ng grupo dahil ang iba sa amin ay mga propesyunal na at medyo may kalakihan ang kinikita... Katulad na lamang ni Mark... Si Mark ay isa na ngayon' Bar Manager sa lugar kung saan maraming monggoloid...lol! Hindi ko akalain na ang taong ito ay sobrang bait sa kanyang mga naging kaklase or kasabayan sa pag gradweyt sa ICS... Noong 2012, nakita ko sa accounting churva ng isa pa naming kasabayan sa elementarya na si Gracia na itong si Mark ay isa sa mga may pinakamalaking naiambag sa grupo... (Ok lang sa kanya! siya ang may pinakamalaking kinikita sa batch eh) LOL!


Balik tayo sa kwento kung panu ako inampon ng ICS batch 1997...


Kaya ko sinasabing ampon ako dahil HINDI ako nagtapos sa ICS. Nagtapos ako ng elementarya sa isang napakagandang school sa Town namin, ito ang ISDAMS (Ibajay Seventh Day Adventist Multigrade School). Isa itong church school para sa mga batang mababait tulad ko... :) (mamatay na ang mag disagree) #diladila


Hindi ko na maalala kung panu ako nagsimulang makipagkulitan sa batch na ito or kung panu ako naging malapit sa nakakarami sa kanila.. sapagkat ako'y isang tahimik na tao at ayaw makihalubilo sa mga taong malayo ang agwat sa akin pagdating sa financial status...hehehe! Feeling ko kasi mga sosyalin sila.. pero nagkamali ako... Isa din pala sila sa mga pwede kong bigyan ng joke na medyo nakakadugo ng puso...hehe!


KAREN..- yan yung pangalan ng babae na lagi kong kausap about sa batch1997, isa rin siya sa mga dahilan kung bakit ako inampon ng batch 1997... Isa din si Karen sa mga nag ambag sa grupo para magkaroon ng panggastos ang batch... Isa rin si Karen ngayon sa mga Broken Hearted at dumurugo ang mga puso..hehe! sinali ko pa talaga... napaka chismoso ko...LOL! Anyhow carabao, Isa ito sa mga kaibigan ko na hindi mo makitaan ng pagiging synthetic material made from a wide range of organic polymers such as polyethylene! :)


GRACIA, IZA, VINCENT, NILITA at marami pang iba... isa sila sa mga tumanggap sa akin para makasali ako sa Batch 1997... Kilala ko sila simula nung nag aaral ako ng elementarya, pero sila hindi nila ako kilala... Hindi ko alam kung bakit hindi nila ako maalala..siguro dahil isa akong ulikba noon at puro kalokohan lang ang alam... itong mga nabanggit kasi na pangalan ay mga mahilig mag aral maliban kay MARK...hehehe! Ayoko na ikwento pa at baka hindi ako gawing friend... LOL!


Pesrtaym kong sumali sa Batch 1997 noong January 2013 ICS Alumni/Batch Night... Bago pa man dumating yung araw na yun, lagi na kami nag uusap sa FB group... Pinlano na nila lahat ang mangyayari sa darating na okasyon... andun yung kung sino ang bibili ng Uniform, Beer, Tubig at makakain... Pati na rin yung Table sa batch night at drums and lyre para sa SADSAD (Street Dancing) ^__^


Isa sa mga napakasayang nangyari sa buhay ko ang maging myembro ng Batch 1997... Iba-ibang mukha at pag uugali.. mga magaganda at merong hindi...lol joke lang... lahat kayo maganda at gwapo... hehe! 


Pasulong na naman ang panahon at magkakaroon na naman ng pagtitipon at magkikita na naman ang batch 1997... at syempre maiinggit ako dahil nandito ako sa dubai... pero ok lang dahil masaya ako pag nakita ko silang masaya... Para makabawi sa saya nila, hindi nalang ako mag aambag! hahaha! sa 2015 nalang ako mag aambag dahil yun yung uwi ko.. #diladila


MARY FRANCES, Itong pangalan muna ang sasagot sa pangangailangan ng batch sa 2014..hehe! Isa ito sa mga kaibigan ko or pwede ding matatawag na childhood friend... Mabait at laging inlove..haha! Ingat lang at baka magaya ka dun sa isa sa taas...LOL! Total maganda ka at may isasama kang magaganda na tulad mo... ikaw nalang muna ang bahala sa amin ni mark...hahaha!


Nagpapasalamat ako sa IBAJAY CENTRAL SCHOOL BATCH 1997 sa pag ampon sa akin bilang ka-batch ninyo... nagpapasalamat din ako dahil naging mabait kayo saken.


At dahil nga wala akong magawa kanina... Panoorin niyo nalang yung ginawa ko... hehe!



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)