Wag na wag mong sasakalin!

*epekto ng hangover*

Hindi ko na naman alam kung bakit ako gagawa ng blog at hindi ko din alam kung ano yung taytol ng blog ko... anyway andiyan na yung taytol... ang wag na wag mong sasakalin... hehehe :)

Gagawan ko nalang ng twist tong story ko para may kwenta kahit papanu..haha! 

Maraming bagay sa mundo para sumaya ang isang tao, meron lang talagang tao na hindi makuntento sa isa at nagkakaroon pa ng hilig sa iba. Yung sinasabi kong hilig ay hindi bagay, kundi'y bisyo sa babae at lalaki...

OO marami na akong kilala na ganyan, at ang inyong lingkod ay naging isa din sa mga yan...LOL!

OK, punta na tayo sa usapang sakalan...

Meron akong kilalang tao na sobra kung makasakal sa karelasyon niya, yun bang oras oras eh kelangan malaman niya kung ano ba ang ginagawa ng partner niya, like yung, kung kumain na ba siya, anong oras ba siya kumain, anong oras nakauwi, anong oras natulog at kung anu-ano pang shit and the likes! lol

Hindi ko alam kung bakit may ganyang tao, dahil ba sa sobrang mahal niya ito at takot siya na baka naglalandi sa iba? ganun ba yun? well... kung mahal mo ang isang tao at mahalaga ito sa'yo, wag mo dapat ganyanin... mag agree na kayo at baka sumabog yang appendix mo pramis...hehehe!

Kaya ko ito nasasabi kasi naranasan ko na ang pagkasakal ilang beses na, at wala itong magandang naidudulot sa relasyon, mapa lalaki at babae man or bakla sa lalaki or tomboy sa babae...

Hindi po normal ang bantayan lahat ng galaw ng karelasyon dahil lang sa wala kang tiwala sa kanya or sa nakapaligid sa kanya... Pwede kang mag text or tawag ONCE or TWICE, but not every hour!

Sabi ni pare sa amin.. "mga brad pasensya na kayo ha kung medyo naiistorbo na kayo ni Piolo (hindi tunay na pangalan..lol)" wala naman kami magagawa sa pasensya niya kundi tanggapin nalang... alam niya kasi na sobrang nakaka-istorbo na yung Jowa niya sa amin...

Akalain mo ba naman na halos kaming lahat dito sa flat tinatawagan oras oras, chini-check kung nakaligo na ba yung alaga niya or kung nakakain at kung nakaalis na ng bahay... walanjo ngayon lang ako nakatagpo ng karelasyon na bading na walang-awa-kung-magtanong-sa-mga kaibigan ng jowa niya. hehe! :)

Sa mga mahilig manakal diyan, please wag niyo po gayahin si Piolo...Hindi po yan makakatulong sa isang relasyon kung bawat segundo eh bantay sarado ang partner niyo... Magkaroon dapat ng tiwala sa partner kahit alam mong may kahinaan siya, ipaliwanag mo lagi sa partner yung lahat ng bagay na makakasama sa isang relasyon para maintindihan niya kung bakit ka mahigpit sa kanya... wag na wag kang mananakal kahit alam mong sayo lang siya umaasa pagdating sa pera at kung ano man.

Hindi porket mahal ka or mahal mo pwede ka nang mang utos na gawin mo to o gawin mo yan. Bihira lang makatagpo ng isang tao na minamahal mo tapos aalis sayo dahil sa pananakal mo. :)

Hanggang dito nalang muna at wala na akong maisip na idugtong pa. hehehe!

Salamat sa pagbabasa ng blog ko na walang kwenta...wala lang talaga ako magawa kaya nangingealam ako ng buhay ng may buhay...hahahahaha!

#EpektoNgRedhorse

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MONFER- Pangalang malupit, Umiiwas sa panlalait :)

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!