Bakit???

BAKIT????

Ito yung tanong ng karamihan na sinasagot ng iilan...

Halimbawa: 
Ako: Nandiyan ba si Jim?
Xan: Bakit?

Ganyang senaryo ay halos araw araw nangyayari... magtatanong ka, sasagutin ka rin ng tanong... bakit ba ganun tayong mga tao? Dahil ba ito ay normal na sa utak ng tao na agad nagpoprocess na magtanong din kesa sagutin? Bakit??

Hindi ko din alam!

Pero bukod sa halmibawang iyan, meron pang mas malalim na dahilan kung "BAKIT???" ang titulo ng blog kong ito... 

Sabi nga ng kaibigan kong medyo malapit na sa dulo ng walang hanggan, bakit daw ang tao eh hindi pantay pantay lalo na sa pag-ibig... eh bakit nga ba?

Una, may mahal ka pero hindi ka mahal...
Pangalawa, mahal ka pero hindi mo naman mahal.

Bakit ba ganun? aba'y hindi rin ako sure sa isasagot ko... hehe XD

Bakit nga ba? Siguro kasi ahmmm... Hindi siya para sayo, at siya naman ay para sa iba... 

Pero BAKIT may nasasaktan??

Kasi nga hindi kayo dapat sa isat-isa at kelangan mong mag move on kahit masakit... :)

Sabi naman ng isa kong kaibigan, Hindi talaga kayo/sila para sa isat-isa, pwedeng pinilit lang dahil sa attraction ng bawat isa. Sabi naman nung isa UNFAIR daw ang mundo... hindi ko alam kung san niya hinugot ang sagot niya o talagang bitter lang siya sa buhay niya.. hahaha! #diladila

Pero meron siyang pahabol, kasi daw ang tao hindi marunong makuntento kung ano lang dapat meron siya, madalas dahil sa inggit or gusto lang niya ng atensyon.

At nagbigay pa siya ng sampol: 
Kunyari sa babae, mas gusto daw namin yung sexy at maganda yung mga tipong kaiinggitan ng lahat pero hindi naman kayang ligawan or pormahan, ang mahalaga lang gusto mo siya... sabay dugtong ng HAHAHAHA!

Siguro yung sampol sa taas ay may mga points din kahit papanu at applied yan for boys and girls at pati na rin sa mga bading. :)

Eh bakit nga ba tayo nagmamahal ng mali? Dahil siguro kelangan muna nating matuto bago makita ang tama? tama ba ako? well kung mali man, mag comment nalang sa baba.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)