Ang aking paliwanag sa nangyari...

I dont know kung tama tong gagawin ko o mali... pero hindi ko na mapigilan... hindi mawala sa isip ko ang nangyari nitong mga nagdaang araw saken... kahit saan ako magpunta, kahit naliligo ako, kumakain, at kahit sa loob ng isang bar na may banda at maraming magagandang babae hindi mawala sa isip ko tong pagsubok na to kung kelan mawawala sa isipan ko.

Story....

Lingo ng gabi, galing kami sa isang mall dito sa dubai... bumili kami ng panreregalo sa magbebirthday na kasamahan ng aking pinakasalan... Nakipagkita din kami sa tita ko na medyo malapit lang dito sa amin pero sobrang busy niya kaya hindi matuloy tuloy. Nung dumating kami dito sa bahay, syempre paunahan sa netbook dahil nag iisa lang to... at wala akong nagawa kundi manood nalang dahil naunahan ako...

NAGKAASARAN habang nagkekwento tong pinakasalan ko, nakita ko kasi na gumagawa siya ng story at andaming period...sabi ko, dapat kako comma gamitin mo hindi period kasi nga hindi kumpleto yung sentence.. at ayun nagkalabasan ng utak... sabi niya, parang "Takbo" lang yan... pag sinabing "takbo" sentence na yun, parang "Run!" sentence din daw yun sabi niya... Ako naman natatawa, iniisip ko, panu naging sentence ang "Run!" eh nag iisang word lang yun... dahil para saken ang sentence ay (a group of words that has a complete thought, typically containing a subject and predicate.)
Ayun nagtalo na kami... sa inis niya nag post pa siya sa wall niya para malaman kung totoo nga yung "Run!" ay isang sentence.

NAGKAPIKUNAN dahil walang pagkatanggap ng pagkatalo ang bawat isa sa amin hanggang sa nauwi sa hindi magandang pagka-unawaan. Habang siya'y nag i-internet, ako naman ay nanonood lang sa kanya at patawa tawa dahil nga hindi ako maka move on na ang "Run!" ay sentence... ngayon sa sobrang pikon na tong pinakasalan ko, ayun hinamon ako na lalagyan daw niya ng password yung netbook niya para daw hindi ako makagamit.
(hindi ko alam kung ano ang laman ng utak niya kung bakit niya nagawa yun) after nung nilagyan niya ng password yung netbook niya, pakanta kanta na siya na may kasamang pang aasar saken...ako naman medyo napipikon na dahil bakit mo kako nilagyan ng password eh gagamit din ako... pero wala lang sa kanya at pakanta kanta parin siya hanggang sa pumasok na siya sa banyo para mag halfbath. Yung netbook naiwang may password at ako naman umakyat yung dugo ko sa ulo dahil nga pinagdamutan ako dahil sa asaran namin...

Sabi ko sa kanya, sige kako pagtawanan mo ako at hindi mo magugustuhan yung ganti ko, pero parang wala lang sa kanya...hindi siya natatakot at may pride din. Pagkatapos niyang mag halfbath, dun na ako magsimulang umarangkada ng ganti ko... ang sabi ko, hindi ako sasama sa event niya kinabukasan dahil ayoko at yun ang ganti ko sa ginawa niya... Sabi niya, bakit daw hindi ako sasama dahil lang sa password at hanggang sa madami na akong nasabi na hindi niya nagustuhan...
Habang kami ay nagtatalo, naibalik na naman yung mga past sins ko at kung ano anong shit na yung lumalabas sa bibig niya hanggang nag sabi siya na, "ITONG NETBOOK BA ANG DAHILAN BAKIT KA NAGKAKAGANYAN??!?" At biglang itinapon sa basurahan yung netbook, at maya maya sinunod niya yung charger ng netbook at naghanap ng gunting at ginupit ng apat na hati. And the rest is History... pero bago niyo ako ijudge sa nangyaring yun, hindi ko tinapos ang gabi na yun na hindi ko siya pinatulog sa tabi ko.. sinundo ko siya sa kusina at nag iiyak siya dun.

MARTES nagkaroon na naman ng tip tong kasama ko sa bahay, syempre pag may tip meron dapat tagay... so napagdesisyunan na bumili ng maiinom...at isa pa, yung isa naming kasama din dito at ka roommate ng bibili eh aalis na ng bahay dahil lilipat na sa ibang emirates (Al Ain), medyo nagtatampo na yung pinakasalan ko nun kasi nga nag iinom na naman ako... Hindi ko alam kung bakit madali akong mapa OO at mapatagay sa mga kasama ko dito sa bahay, siguro dahil sa pakikisama lang...kasi nasa abroad ako at dalawa lang naman kami ng pinakasalan ko dito ang malapit sa isat-isa... meron akong tita pero syempre may sariling buhay din siya.. 
Kinaumagahan habang pagising sa mahimbing na pagtulog, binulungan niya ako na "ga indi na mag inom ha" (in a sweet voice) ako naman tumango at OO lang ang sagot.

MYERKULES nagka yakagan na naman mag inuman ang kasama ko dito sa bahay... Ako naman at ang pinakasalan ko ay nandito lang sa loob ng kwarto at may pinapanood na movie nang biglang tinawag ako...

Tsong may naghahanap sayo (ibig sabihin nun, tara na mag umpisa na tayo)- yan ang laging sinasambit ng kasama ko dito sa bahay pag mag iinuman kami at kung nandito ang pinakasalan ko.

Habang nagluluto ako ng sisig para gawing pulutan, pumasok yung pinakasalan ko sa loob ng kusina kung saan kami nag iinom... mag huhugas pala siya ng kinainan niya, dito siya sa kwarto kumain... Habang naghuhugas siya, kumakanta siya ng "nasan na ang pangako mo, sa tuwing sinusuyo ako"- ako naman pa-smile smile lang...sabi ko naman sa kanya konti lang naman ang iinumin namin at madami din naman kami...

Pumasok na yung pinakasalan ko sa kwarto, ako naman sumunod sa kanya at nagpaliwanag ng bongga, sabi ko pakikisama lang tong ginagawa ko sa kanila... sagot naman niya, "meron ka UTI sabi mo tapos mag iinom  ka na naman?!? kelangan araw-araw??!? Tapos bukas pupunta ka pa sa opisina niyo para kunin yung visa mo!!" -ako naman bilang makulit, hindi ko na pinansin yun at sabi ko nga eh konti lang naman ang iinumin ko at kaya ko naman magising ng maaga para puntahan ko sa office yung visa ko, at isa pa kako pipick-up-in ko nalang yun... at lumabas na ako ng kwarto at itinuloy ang pagluluto ng pulutan.

Hindi pa siya nakuntento at sinundo na naman ako sa kusina ng nakasimangot kaharap yung mga kainuman ko at mga kasama dito sa bahay, at sabay bagsak ng pinto ng CR...(hindi ako ang nakapansin, yung may-ari ng bahay)

Naisipan kong pumasok uli sa kwarto, at sakto naman na kakausap lang ng pinakasalan ko yung nanay niya...then bigla niyang sinabi saken na, "kakausapin ka daw ni nanay" then sabi ko sige tawagan mo... then ayun nakausap ko yung nanay niya, andaming sinabi na wag ako mag inom at kung ano ano pa... alam niyo na yun kung ano pa, dahil nanay sila.. puro yan advice syempre...hehehe! ang sinagot ko lang sa nanay niya, "Nay, nakikisama lang po ako sa kanila, konti lang naman ang iinumin namin." then yun na usapan namin, at ibinalik ko na sa pinakasalan ko yung cellphone.

Dumating ang hindi inaasahang pangyayari... sa mga nag iinuman, tatlo nalang kami ang natira... ako, si gary at si toper (hindi tunay na pangalan), alas tres na ng madaling araw ng Huwebes nun, nagtatalo tong si gary at Toper regarding sa rules and regulation ng company nila na kesyo daw mali ang pamamalakad at kung ano ano pang shit... ako naman bilang taga pakining at pilit na binabalanse lahat ng usapan eh nakikialam na rin at pinapaliwanag sa hindi nakakaintindi kung bakit ganun ang patakaran dito ng mga kumpanya sa dubai.

Halos isang oras na ang lumipas eh wala paring bumababa ang pride sa dalawa hanggang sa nagtaas na ng boses itong si toper dahil nga may amats na... ako naman pangiti ngiti lang at pinarerelax dahil medyo ramdam ko na yung ingay naming tatlo at medyo nakakahiya na sa mga ka flatmate namin dito... at ilang minuto nga eh hindi ako nagkamali... may biglang tumayo sa higaan at sinita kami na isara yung pinto ng terrace dahil nadidinig yung ingay namin sa loob ng bahay, kasabay pa ng tunog ng Mosque dito sa area namin dahil alas kwatro na ng umaga.

Palibahasa mga lasing na, sabi namin, pasensya nalang kung medyo maingay, heto na at ubos na...may inaayos lang kami na usapan... Hanggang sa tumayo narin tong pinakasalan ko pagkatapos nung isang nanita sa amin... tinawag ako, sabi niya matulog ka na (galit na galit)... pero nagpumilit ako na ayusin ko yung gusot nung dalawa at hindi nagkaintindihan, nang biglang hinila ako sa buhok at itinulak papasok sa kwarto, ako naman paluhod na bumagsak at bigla akong nagulat na kung may anong tumama sa ulo ko (bandang taas ng tenga) na sobrang sakit... Ramdam ko ang sakit kahit lasing ako...as in sobrang sakit! nung nakita ko kung ano yung tumama saken, yun pala ay cellphone ko na cherry mobile na C8 at tanggal ang housing sa likod at battery. salamat at hindi nasira...

Dahil sa nagulat ako at nakaramdam ng sakit, hindi ko napigilan na kunin yung unan at gumanti sa pinakasalan ko... Medyo nanilim paningin ko nun. Hindi ko alam kung ilang beses ko siyang pinalo ng unan (orthopillow yata tawag sa unan na'to) medyo may kalambutan naman siya. At doon nga'y nag iiyak na tong pinakasalan ko dahil ako ay gumanti sa ginawa niyang pambabato saken ng cellphone. Nung time na yun, nagawa pang tawagan ng pinakasalan ko yung nanay ko sa probinsya at nagsumbong na sinasaktan daw siya ng anak niya. 
Kinausap ko naman nanay ko, at syempre sinabi ko yung totoo na pinalo ko siya ng unan dahil nga binato niya ako ng cellphone sa ulo at hanggang sa oras kako na mga to eh sobrang sakit at bumukol na nga kako ito.

10am araw ng Huwebes, nung nagising ako, andiyan sa tabi ko yung nambato saken ng cellphone... sigurado na ako na nag absent siya dahil wala siyang tulog dahil nga nag away kami... habang inaantok pa ako, biglang nag ring yung pinambato saken, tumatawag yung HR kung saan ako natanggap, kinausap ko naman siya kahit medyo sabog pa ako... sabi niya kung anong oras ko daw kukunin yung visa ko at kelangan eh mag report na ako ng linggo (June 30) at magstart na daw ako ng July 1, tinanong pa niya ako kung kelan daw ako mag exit, sabi pa niya kelangan daw friday or saturday ako mag exit ng dubai para sa sunday matatakan na yung passport ko ng employment visa... Then sabi ko, mga 1 or 2pm kako ako pupunta ng office.

Bumalik ako sa higaan at inaantok pa nga ako, yung pinakasalan ko tahimik lang...hindi ko rin kinikibo at alam ko na yung ugali niya pag nag aaway kami, pataasan ng pride. Dumating yung alas dose, naligo ako at nagbihis at umalis papuntang office kung saan ko kukunin yung original employment visa ko.

Habang nasa byahe ako pauwi, napansin ko yung cellphone ko wala nang space yung new message, ni-check ko ngayon yung inbox, doon ko nakita ang text ng nanay ko na napakahaba at ang dami... Nagkatext pala silang dalawa ng pinakasalan ko dahil nagsusumbong nga ito dun sa nanay ko. Nakaramdam na naman ako ng inis at medyo nagagalit na... kasi iniisip ko, bakit pa dinadamay yung nasa malalayo eh wala naman magagawa yun... alam ko na kami lang ang makakaayos ng problema namin. Kahit 3 dirhams nalang yung load ko, tinawagan ko nalang nanay ko at nagpaliwanag na naman ako ulit kung bakit ko nahataw ng unan yung pinakasalan ko hanggang sa ito ay maubos nang hindi pa kami natatapos mag usap.

Dumating ako ng bahay, nakahiga parin yung pinakasalan ko na dilat ang mata, kitang kita ko sa kanya na malungkot siya, kitang kita ko na nagsasakit sakitan... iniisip ko, bakit kako ganito to eh UNAN lang naman yung pinang ganti ko sa kanya, pero yung bukol ko masakit pag nasagi...
Nakapagsalita na naman ako ng hindi maganda dahil sa galit at inis ko... sabi ko, wag ka ngang OA, alam ko na yung style mo... nagsasakit sakitan ka lang para mapunta sayo yung awa at pansin... 
Then nagsabi rin ako ng " Kung lagi nalang tayong ganito, siguro kelangan nalang natin maghiwalay, pero tulungan mo muna ako dito sa dubai" Dahil nga wala naman ako ibang mapuntahan at siya naman ang nag gastos saken papunta dito. Nakapagsalita din ako na, wag mo kako tuturuan yung aso na mangagat dahil kakagatin ka niyan pag sinaktan mo uli. Sumagot siya bigla, matapang daw yung PUSA (nirerefer niya sarili niya as pusa) AYAW TALAGA PATALO! Saka kako next time wag ka na manguna kung hindi mo kako kaya, buti nga kako unan lang yung pinangganti ko sayo, what if pa kako kung sinturon yun or kung ano mang matigas na bagay eh di kako andami mong pasa at gasgas- then bigla na naman siya sumagot ng pagalit... EH DI GAWIN MO! -sabi ko naman, ulitin mo kakong batuhin ako ng cellphone sa ulo ng malaman mo ang hinahanap mo... (nakasagot ako ng ganyan dahil na rin sa galit at ayaw patalo tong pinakasalan ko)

Bandang hapon at palapit na ang gabi, naligo at aalis daw... pupunta pala siya sa kaibigan niyang mag asawa dito din sa dubai... nag ligpit ng mga gamit at nilagay sa plastic... ako naman kinuha ko yung plastic na yun at sabi ko wag siyang umalis... kung aalis man siya, dapat dito siya sa bahay matutulog.. pero nagpumilit talagang umalis... hindi na niya dinala yung niligpit niyang mga damit dahil nga kinuha ko ito... at ito pa, iiwanan sana niya ako na walang makakain... iiwanan niya ako ng apat na tig 25 fils dito sa loob ng kwarto at tatlong pancit canton... Sabi ko, ano kakainin ko dito? tinuro niya pancit canton... kako kahapon pancit canton na kinain natin then ngayon pansit canton ulit??? then bigla siyang bumalik at nag iwan ng 50 dirhams para daw pangkain ko... (may awa pa naman pala)- Hanggang siya ay makaalis na at makarating na sa kanyang pupuntahan.

**Gusto ko sana nang gabing yun ay dito siya matulog at pag usapan namin ang nangyari, na kung pwede pang ayusin eh ayusin sana namin... pero lalo pa palang napasama sa mata ko at pag iisip ko ang nangyari...

As a forumer, lagi ako nag oopen ng mga forum/thread at nagbabasa...at meron mga forum/thread na naka bookmarked saken, hanggang sa may mabasa akong hindi ka nais nais sa mata at isip ko.

ITO YUN.. click niyo nalang para mabasa niyo ng malinaw...

Sobrang sigurado ako diyan na ako ang tinutukoy at siya... sakto online siya nun sa Facebook, nag message ako sa kanya na bakit kako ganun? sinabi mo ba kako kung bakit kita pinalo ng unan? sagot ng pinakasalan ko saken ay OO... lahat daw naikwento niya... kung gusto ko pa nga daw eh copy paste pa nya sa chat box namin... then hindi na ako nakipagtalo pa... Sabi ko nalang na may gagawin akong hindi niya magugustuhan (dahil lang ito sa galit ko at inis)

At hayan nga ang story ko...

Ang akin lang naman dito sa kwentong ito, na dapat bilang mag asawa at pag nagkaroon ng problema, wag na sanang ipaalam sa kung kanino pa at sa buong mundo yung nangyari at nakakahiya... sino ba naman ang masisiyahan na may mababasa akong isa akong woman hitter... na nananakit ako ng babae... na wala akong kwentang asawa dahil mahilig ako mag-inom... sino ang may gusto ng ganun?

Hindi ako sure na dadating ang time na maghihiwalay na talaga yung landas namin ng pinakasalan ko, pero sana manlang irespeto niya ako bilang lalaki... dahil hindi naman ako masamang tao... Hindi ako nananakit ng babae, marunong din naman ako mag alaga ng kaibigan at tao sa paligid ko...
Mahigit 7 years na kaming magkarelasyon, ngayon lang naman nangyari ang pagpalo ko ng unan sa kanya.

Inaamin ako, isa akong napakalaking GAGO sa buong buhay ko, at yun naman ay pinag sisishan ko na dahil lang tao lang naman ako... alam ko hindi yan reason, pero nagawa ko na eh... hindi ko na maibabalik pa yun...

Pakiramdam ko ang sama sama kong tao, na wala na akong naidulot sa kanya na mabuti... lahat nalang puro problema binibigay ko sa kanya...

Sabi ko nga sa kanya pauwiin nalang ako ng pinas para matapos na...maghahanap nalang ako ng trabaho dun at babayaran ko lahat ng nagastos niya saken... pero ang sagot niya, bahala na daw ako sa buhay ko, bahala na daw ako kung saan ako kukuha ng pamasahe ko pauwi ng pinas... Gusto ko nang umuwi nung time na yun kasi nawawalan na ako ng pag asa na makapag exit pa dahil nga yung pera na iniwan saken 50 dirhams lang... ang kelangan ko 570 at pang taxi...

Nagpakapal nalang ako ng mukha sa mga batchmates ko at kung kani-kanino nalang ako manghihiram ng kahit pang exit lang at itutuloy ko nalang yung buhay ko dito sa dubai... Pero ni isa sa mga una kong hiningian ng tulong wala akong nahiram na pera... Buti nalang may isa akong kaibigan dito sa internet na nagpahiram saken ng 500 dirhams at meron pa daw naman siya budget... laking pasalamat ko dahil kahit papanu magkano nalang yung kulang...
Kinabukasan nagkita kami sa isang mall dito sa dubai at dun ko na kinuha yung pera na papahiram saken... Kumain kami, nag ikot sa mall at hanggang napagdesisyunan na magpunta sa isang bar dahil yung mga kasama namin gusto din mag unwind.

Nakauwi ako madaling araw na, mag 4 am na yata yun.. sakto may lumabas sa CR, si Gary pala... nagkwento ako sa kanya na kulang kako ng 100 yung budget ko pambili ng ticket para pang exit... sabi niya meron daw siya...ang sabi ko, papahiramin ba niya...sabi niya wala daw problema... at yun nga kinuha niya ito... to cut the story short, ginawa ni Gary na 200 yung pinahiram niya saken at baka daw ma hold ako sa Iran at wala ako pang gastos.

Ngayong oras na ito... dito na ako sa Dubai muli... naka pag exit na ako ng dubai at bumalik galing iran...

June 30, report na ako sa office...titignan ko na magiging pwesto ko...

July 1, panibagong yugto na ng buhay ko... na hindi ko naman gusto na ako lang mag isa.

Pasensya na kayo sa napakahabang kwento ko, gusto ko lang kasi maintindihan lahat ng mga kaibigan ko na nagalit saken dahil sinaktan ko ang kaibigan nila... sana mapatawad ninyo ako... Salamat.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)