Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2013

Unang HALAKHAK ni Barbara!

Imahe
Badnews pare! ito ang isang mensahe na nabasa ko galing sa isang kaibigan after ko magising sa mahabang tulog sa malamig na kwarto na merong bed bugs. Pag mga ganyang uri ng mensahe at galing pa sa isang kaibigan, sigurado malulungkot ka, badnews ba naman eh! pero kung galing sa kaaway, sigurado abot langit ang iyong tuwa... ganyan ang ugali ng pinoy! hahahahaha! Ikwento ko nalang kung panu kami nagkakilala ng kaibigan kong 'to, kung panu kami naging close sa internet at kung panu kami mag GAGUHAN sa internet or sa personal man... Noong una ko siyang nakikita sa isang website ng mga matatalino, hindi ko aakalain na magiging kaibigan ko to... kasi kung magpost ay sobrang bihira.. bihira magpost kasi yung forum na andun ako ay para lang sa mga gwapo... siguro nahihiyang magpost kaya panay daan lang yong post niya ("padaan" at meron emoticon)! at alam niyo na siguro kung bakit... =)) Hindi ko na maalala kung kelan kami naging close ni kaibigan, basta naging magkaibigan n

Tambay 101

Imahe
Mayo Sa-is Dosmil Trese alas dose uno ng madaling araw- yan yung araw at oras na gusto kong isulat sa aking panimula... hahaha!  Unang araw ko sa Dubai noong Mayo 6, hindi ko pa ramdam ang kagandahan ng dubai ng husto dahil sa gabi ako dumating galing Pilipinas kong mahal na andaming BOBONG Botante... **rewind** Habang bumabyahe kami galing airport kasama ang asawa ko papunta sa uuwian namin, akoy palinga linga sa paligid na parang bata na gustong makakita ng eroplanong lumilipad sa dagat, tinitignan ko lahat ng mga building na makikita ko... dun ma maiisip na parang Makati lang din ang Dubai (based on my experience) madaming ilaw yung buildings, madaming sasakyan, meron traffic lights, meron taxi, meron din mga bus... Alas onse na ng umaga kami nagising ng asawa ko dahil sa pagod siguro.. (alam niyo na kung bakit..lolz!) nagising ako dahil sa nakaramdam ako ng gutom at ganun din yung asawa ko... nagsaing yung asawa ko at nagluto ng ulam after niyang bumangon... ang ginawa ko na

Part FOUR: Ang paghihiwalay namin ni kaibigang Bogart

Ilang oras nalang at lalapag na kami sa dubai... Kung paano ko nalaman? meron yun sa touch screen monitor sa harapan mo pag nakasakay ka na ng eroplano... sa mga nakasakay na, wag nang pansinin pa.. hehe! Malapit na ang takdang oras na magkikita kami ng asawa ko sa DUBAI Airport at maghihiwalay naman kami ni bogart... Narinig ko na naman yung piloto na nagsasalita ng kung ano ano sa mikropono, mukhang chinese yung piloto kaya hindi ko masyado naintindihan yung english niya, inantay ko nalang yung isang cabin crew na magsalita at sigurado ako dun na maiintindihan ko siya... isa pa, ang ganda talaga ng stewardess na yun! nakalimutan ko lang hingin yung number at baka hindi rin ibigay. Ilang minuto na din ang lumipas at kami'y nakalapag na sa dubai airport, medyo kinabahan ako nung pa-landing yung eroplano kasi naman sobrang alog at masakit sa tenga, akala ko huling sakay ko na yun ng eroplano... ang ginawa ko, nagdasal nalang ako na kung ano man ang mangyari saken, sana ipana

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Imahe
Habang nakaupo sa loob ng airport, medyo nakaramdam na ako ng gutom dahil alas tres na ng hapon. Sakto naman na dumating yung dalawang babae na kasabay namin papuntang dubai na meron dalang pagkain, nag alok sila sa amin ni Bogart na kumain daw kami... pero dahil sa mahiyain kaming dalawa, hindi kami kumuha ng french fries na binili sa mc donalds, gusto pa ngang bigyan ni ate si bogart ng 20 hkg dollars, pero mahiyain talaga si bogart kaya hindi niya ito tinanggap. Niyaya ko si Bogart na bumili na rin kami ng makakain at sobrang gutom na ako, sumama naman si bogart sa akin at sabay kaming naghanap ng mabibilhan ng kakainin. Paikot-ikot kami sa loob ng airport at napuntahan namin yung parang foodcourt dun na maraming foodchain, then nung nakahanap na kami ng gusto naming bilhin, naghanap uli kami ng pinakamalapit na money changer, at hayun konting lakad lang may nakita kaming chinese na nagdedate sa isang table, lintek! ano ba tong pinagkekwento ko...lols! sa hindi kalayuan nung nagde

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Imahe
Habang nakaupo at nag iisip ng kung ano ano... biglang may nagsalita sa mikropono na ang aming sasakyang eroplano ay boarding na, ibig sabihin nun, pwede na kami pumasok sa loob at umupo at magrelax sa parang malaking bus sa EDSA. Iba yung way ng mga nasa business class, iba rin yung way ng mga nasa economy class..  Ang kaibahan lang ng business class, malayang nakakagalaw ang paa nila, malaki ang espasyo na parang pwede ka ng humiga..hehe! then ang iba pa ay sa pagkain at alak.. syempre nagbayad sila ng mahal kaya mahal din yung kakainin nila at iinumin.. at yung lcd monitor din pala nila mas malaki kesa sa economy class... take note, lahat ng upuan meron lcd monitor na touch screen, im not sure kung 7" ba yun o 8", basta kayo na bahala magsukat pag nakapag abroad din kayo...(magdala kayo tape measure) hahaha XD  Dumating ang 8:35am, nag salita na ang piloto at mga cabin crew na ayusin na lahat ng seatbelt at maya maya lilipad na kami, then magsasalita ulit ang babae

Part ONE: Ang inaantay ng lahat (assuming lang)

Araw ng Mayo kwatro dosmil trese, ito yung araw na kelangan ko ng ayusin lahat ng dadalhin ko papuntang abroad, mga damit, pasalubong, papeles ko para sa pag apply dito sa dubai at mga ipapakita ko sa immigration officers diyan sa Pilipinas. hindi ko alam kung panu ko uumpisahan ang pag kwento ng istorya ko, ang gulo ng isip ko..hindi ko alam kung saan ako magsisimula, kung lalagyan ko ba ng joke o hindi... kung i-englisin ko ba o hindi... buti nalang naisip ko na hindi ako gaanong marunong mag english..kahit alam kong kaya ko! echos lang... lol ito na.... inabot ako ng antok sa sofa kung saan nakaharap kami sa telebisyon. kasama ko sa sala noon ang dalawa kong kapatid, ang isa ay bakla na, at ang isa naman hindi pa sigurado.. (sana wag naman!) andun din yung pinsan ko na feeling gwapo at yung tita ko na ubod ng sungit (wala kasing asawa) lol! nung dumating ang oras ng pagtulog, sabi ko sa tita ko na doon nalang ako matutulog sa sofa at maaga nga din naman ako gigising at maaga akon