kung panu ako naging AKO

tubong Ibajay Aklan, may alam sa englis at tagalog (pero dati hindi)... hahaha! lumaki sa hirap at may konting desiplina na kaya kong ipagmalaki.

nakapag gradweyt ng dalawang taon sa kolehiyo AHRM (nakz) lol! music lover, kahit anong kanta mahilig ako...wag lang yong sigaw ng sigaw...hahaha!


nung nakapag edad ng 25, nakahiligan ang pagiging MANINIYOT (photographer)... nung una syempre patapon lahat ng shots (sino ang una na magaling kaagad???) pero habang lumilipas ang mga buwan, medyo nag iimprove naman ako kahit papanu... kasi inspired...haha! yon ay sabi lang nila... tumatanggap ako ng inbitasyon sa binyag, bertdey, kasal at kung ano ano pa... at hindi po ako tumatanggap ng bayad o talent fee.. kusang loob po na binibigay o binabahagi ang aking talento... nakz ulit! hahaha...

peborit color ko po ang PINK... kaya pasensya na kung puro pink ang nakikita niyo sa blog ko na to...hehehe

naging peborit ko to dahil sa crush ko nung college na hindi ko naman naging JOWA... hay buhay... pero sabi nga nila, hindi ko kawalan...hahaha!

**update**

May 09, 2013 1140am Dubai Time

ngayon beynte otso na ako, may asawa at isang asawa lang...lolzx!

kung wala kayong magawa, pwede niyo basahin ang walang kwenta kong kwento... pero pag may ginagawa kayo, please unahin niyo na muna ang mag facebook kesa laanan ng oras itong aking blog. hahaha!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MONFER- Pangalang malupit, Umiiwas sa panlalait :)

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!