Ang Kaarawan ng aking Mahal na Ama

Nakita ko sa post ng kapatid ko sa FB na Birthday pala ng tatay namin ngayon, August 27, 2015, hindi ko na naalala (patawad po Ama) hehehe!.. at dahil nga nakita at naalala ko, naisip ko nalang na alalahanin sya sa pag gawa ng maikling pagsulat dito sa blog ko..

Noong mga bata pa kami, halos ang pagdidisiplina ay masasabi kong sobrang higpit... halos araw araw nalang kami pinapalo noon, dahil siguro kami'y bata kaya hindi pa namin alam ang tama at mali... :D

Pero nagpapasalamat na din ako sa kanya kasi simula na nagkamalay ako hanggang ngayon, hindi ako nagtry gumamit ng weed, mariwana, dahon, damo o kung ano pa tawag nila diyan.. NEVAH!!! kasi sabi nya saken noon, pagnakita daw nya or malaman, malalagot ako... at dahil sa takot ko, nakatatak na yan sa utak ko hanggang ngayon... kahit ngayon di ko parin magawang gumamit at baka multuhin akong bigla at baka mapatay ko pa sya uli...haha! JOKE LANG... #diladila

Balik tayo kay tatay, si tatay ay may ugaling mabait, pikon, maalalahanin, mapagmahal at higit sa lahat matapang... Maraming meaning ang matapang, pero ang tapang na sinasabi ko ay yung mamuhay kami ng wala syang trabaho na stable.. oh diba ang tapang magkaroon ng anak na pito tapos walang stable job... san ka pa?? at sa awa ng diyos, ako pa panganay... hahaha!

Naikwento ko na rin dito kung panu sya namatay, pakihanap nalang sa list...hehehe!

SANA lang buhay pa sya ngayon, dahil marami syang makikita, andiyan yung apo nya na dalawa.. yung isa ngalang eh nakatago.. yung isa si Keziah... at sa ilang buwan nalang eh makikita nya rin ang apo nya sa kanyang JUNIOR... masaya sana ang mga ngiti na makikita ko sa kanya kung buhay sya hanggang ngayon... pero wala eh, ganito talaga ang buhay ng tao... 

Happy Birthday nalang tay, sana nasa mabuti kang kalagayan... kung sana nag ingat ka sa katawan mo, eh di sana iinom tayo sa pag uwi ko... sana nagkakantahan tayo sa bahay gamit ang regalong TV ko kay nanay...hahaha! kaso wala talaga eh, kahit anong piga ko hindi ka na makakabalik.. kung bumalik ka man, baka matakot naman kami sayo..hahaha!

55 ka na sana ngayon tay, hindi ko alam kung ano ang mukha mo ngayon, kung gwapo ka parin ba o mukha ka ng balat sa bayag..hehehe! pero im sure gwapo ka parin kahit 55 ka na, nasa dugo at lahi kasi natin eh... kung marunong ka lang sanang mag internet diyan kung nasan ka man, buksan mo blog ko para matawa ka naman... mukhang kay babalu ka lang kasi natatawa eh... naalala ko na naman kung panu ka tumawa sa tuwing nanonood tayo sa cinema 1 dati ng mga comedy film...LOL!

Hanggang ala-ala nalang talaga ang magagawa namin ngayon.. pero sa totoo lang miss na miss ka na namin... 10 years na din na hindi ka namin kasama... at naluluha na mata ko potek.. hahaha! Hindi ko na ito hahabaan pa at baka umiyak lang ako na parang tanga dito... take note 03:07am dito sa Dubai ngayon. Naisip ko lang biglang magsulat dahil nga nakita kong birthday mo pala... Hindi ko man nasabi ito sayo nooong buhay ka pa, Mahal ka namin Tay... til we meet again. :(

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)