Kapalaran sa Dubai: Matatapos na ba?

11:50AM (Dubai Time)


Ngayon lang uli ako magsusulat dito sa blog ko, habol oras pa to kasi hanggang ala una lang kami... Naisipan ko lang mag sulat uli kasi nga ito na yung mga huling araw ko sa Kumpanyang pinagtatrabahuhan ko.

Sa titulo palang parang hindi naman imposibleng masagot ng OO saka HINDI... well, kung ako ang tatanungin, Dependi parin ang sagot... depende sa tadhana kung ano yung nakasulat sa kuyukot ko. haha!


Nung nag umpisa ako sa Kumpanyang ito, halos panay din ang gawa ko ng blog, kasi nga wala naman halos ginagawa... napakaswerte ko sa kumpanyang ito kasi mabait ang mga boss, mababait ang kasamahan, minsan may ugaling hindi lang maunawaan.. pero keri lang din naman. :)


Sa pagtatapos ng aking kontrata dito, masasabing kong malaki rin ang naiambag saken ng kumpanyang ito... yung mga dating hindi ko nabibili ay nabili ko... yung dating hindi ko halos makain, ngayon ay nakakain ko na... Yung dating ulikbang taga bundok, ngayon maputi na, pero taga bundok parin. LOL! 

Parang napakaigsi ng dalawang taon para maging mayaman, minsan inisip ko din na sana inipon ko naang mga pinambili ko ng gadget, sapatos, damit at kung ano ano pa.. pero nabili na nga, bakit pa ako magsisisi eh naging masaya naman ako sa kanila. :D

Marami na rin akong napagdaanan dito sa trabaho ko, yung pressure at stress, napagdaanan ko na yan dito... napressure ako dati nung nilipat ako ng department, imbes na opisina ako magwork, nilipat ako sa warehouse para umalalay sa mga laborers (feeling supervisor) pero kalaunan dahil sa kagalingan ko sa dokyumentasyon at sa kumpyuter, binalik ako sa opisina.. (mabuti nalang nung time na yun winter dito) lagi ako sa labas nagtatrabaho para icheck lahat ng container kung malinis ba bago ibalik sa Port.. siguro mga dalawang buwan lang ang tinagal ko sa labas. (atleast experience) 

Isa sa mga naiambag ko sa kumpanya ay ang pag suggest ng paglinis ng container gamit ang tubig sa gripo bago ibalik sa port, na dati ay lagi kaming nacha-charge ng 200 Dirhams o sobra pa dahil hindi malinis ang container. Napasalamatan ako ng General Manager nun nung GAM (general meeting), syempre pangiti ngiti lang ako... SMALL THINGS ika nga nila... hahaha!

Natuwa din naman ako sa mga laborers namin na Pakistani dahil nag iimprove sila araw araw, at lalo akong natuwa nung na promote ang isang badibadi ko dahil siya ay mabait at masunurin sa lahat ng pakisuyo ko... dati natanggap lang sya ng 1400 Dirhams na sahod, ngayon halos aabot na ng 2300 Dirhams na plus OT pa.. Good Karma nga daw sabi ni Budha...haha!


Wala na ako maisip na idudugtong, basta naikwento ko na kung ano meron sa trabaho ko na magandang nangyari, ngayon nga ay magpapaalam na ako... sana ay hindi pa tapos ang kapalaran ko dito sa Dubai.

Ang mahahalagang ID sa pang araw-araw.



Hanggang sa muli aking mahal na Kumpanya. sana pagbalik ko kung magkataon man, sana Malaki na sasahudin ko. hahaha!


Nagmamahal,

Shaider- ang mahiwagang maniniyot. 

#diladila












Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)