Kilig Kilig

Just wanna share a story, hindi to bitin na  kwento, pero hindi pa tapos yung kwento, umaasa parin, your choice kung babasahin nyo or pass nalang muna.


Last year, yung mga officemates ko and I are having the usual 4pm breaktime, nakaka-stress kasi programming, at kung hindi kami magbreak kahit konti, sigurado, patay na bata kami pag uwi, zombies for sure!

Yung isang officemate namin is super manyak (actually mahilig lng magjoke ng green) eh puro babae palagi na dumadaan ang pinag iinitan ng mata, kaya madalas girls ang topic. 

Nasabi ng isang friend ko na hot yung isang girl na nagwowork sa reebok ata yun, basta yung sa may landmark/glorietta dugtungan..... tapos nung na mention nya yun, nagpopup yung girl na subject natin for today. Itago nlng natin sya sa pangalang Ms. Penshoppe.

Nung nabanggit nya yun, saktong the day before, napadaan ako sa penshoppe, first time i saw her, she was beautiful and sexy and all that, pero kasi ako yung typical na mahiyain at tameme. 

Ok so maganda sya at nasa malapit na tabi ko, handang mag assist kung magpahanap ako ng size ng damit. Pero i never gave her another 
look, baka sabihin manyak ako. so nung kwentuhan, sabi ko "ako rin may kilala, twing uwian nadadaanan ko rin sya!"



So naging habit ko ang pagdaan sa shop na yun everytime uuwi ako, pero hindi na ako pumapasok, lumilingon lang. Siguro October pa yun. 
Nung mga bandang Jan-March, sinubukan kong maging friendly at mag smile pag alam kong napansin nya akong napapatingin pag dumadaan, may times naman na nagsa-smile back din siya, so feeling ko "yes naaalala nya na ako kahit papano..."

Tapos last march, napadaan ako ulet, hindi ko napansin nung tumitingin ako ng damit nasa tabi ko lang pla sya. Then it hit me, she really was beautiful, long brown hair, brown pretty eyes, she was wearing a sweet smile.

Ang liwanag sa loob nung shop, the light was bathing her whole body, she was radianting a form of beauty i have never seen my entire life! She really caught my attention for a good couple of seconds, feeling ko ako mismo hindi gumagalaw nung time na yun. 

Tapos since naka japorms ang bidang ito that time, try ko lng mambola (sabi ko sa isip-isip ko). sabi ko, "uhmm, last time bumili ako dito, parang hnd kita nakita.." napaka obvious na banat.. hinanda ko na ang sarili ko para mapahiya, when bigla sya nakipag usap, sabi nya, ganun, kelan ba yun... sabi ko naman xmas ata yun, pang gift sa kapatid ko. sabi nya, hmmmm ganun ba, pero pa-resign narin ako kasi eh, hanggang bukas nlng ako. sabi ko "ay bakit naman, magaasawa ka na ba?" natawa sya at sumagot ng "hindi ah bata pa ako!" (which is great dahil napatawa ko na nga sya, and i just got an idea na she might be single). 

Tapos i asked for her name, which she gave naman while smiling (mukhang maganda ang training nila being courteous sa mga customers). Humaba pa ng konti ang usapan, hanggang sa naisip kong kunin ang number nya, pero nawala ako sa usapan namin, and since hindi lang namn ako ang customer, i lost her attention. hindi ko na sya ulit kinulit at umuwi ako ng may regret dahil hindi ako nakagawa ng move.



I returned the next day, with some reheasered scenarios/usapan possibilities na pinaghandaan ko just in case mabulol ulet ako or ma-starstruck sa kanya. Pero hindi ko na sya ulet nakita. Ilang beses din akong umasang babalik sya or makikita ko sya ulet pero wala. 

Two weeks passed, back to the same old zombie boy ako, nanghihinayang. But one time, i was wearing some really old clothes and jeans, my hair badly needed some haircut, i saw her on duty! 

Sabi ko yes! Kinabahan ako! This is my chance! Dumaan ako sa CR para magayos ng konti! Sabi ko NO!!!! i look terrible! anong gagawin ko! god i hate myself bakit hindi ako kasing gwapo nung katabi kong umiihi kanina! Pero ganun pa man, dumaan ako ulet sa kanya.



Kunwari dumaan lng ako, tapos napalingon, at nagsmile kuno nung nakita ko sya. Nagsmile naman sya ulet! tapos kunwari nag hesitate ako sa paglakad, at nagpalit ng direksyon papunta sa kanya, kinamusta ko sya at sumagot naman sya, sabi ko bakit andito ka ulet, sabi mo resign kana? sabi nya na extend daw sya ng konti kasi walang papalit sa kanya.

Turns out kaya hnd ko sya nakikita since the last time ay dahil pang umaga na sya, at gabi ako dumadaan. Tapos nangyari ulet ang kinakatakot ko! nawala ako sa usapan namin dahil na starstruck ako sa kanya! goodness, sabi ko nalang bigla "uy sige mauna na ako, dumaan lang ako kasi nakita kita".. anak ng dalagang bukid naman oo, bakit yun ang nasabi ko... wala akong nagawa kundi lumabas ng shop, pero nung paalis na ako, narinig ko sya sumambit ng "bye".. bwaahahaha! feeling ko ang smile ko pag labas ng shop ay katulad ng kay hanamichi Sakuragi!

I just feel so happy! After that, ginamit ko yun as inspiration, kinulit ko yung isang kasamahan sa work nya nung wala na sya. Of course there's no way they'll give me her contact! 

Pero the girl was nice, i felt comfortable giving her a short story and she gave me a grin, then she said, isulat mo nalang number mo dito, then pag makita ko sya, sasabihan ko sya. Umasa ako for 2 weeks, but then wala, so bumalik ako! Yung next na pagbalik ko, she said she never saw her again. 

So i asked kung pwede paki bigay nalang sa kanya number ko, which she agreed! Bait ni ate Nems! ang maganda pa! thanks to her, the next day, may nagtext saken na wala sa phone book! Para akong babaeng kinikilig after reading the text from Ms Penshoppe!



There you go, hanggang ngayon nagtetxt kmi, hnd pa kmi nag mi-meet. Bihira sya magreply, at ayaw ko nmng masyadong mangulit, madalas hnd rin nya na pipickup ang call ko. nagplan kmi magkita once pero hindi natuloy because of the bad weather. Lately halos hnd na ako nakakarinig from her. I dont know what to do. I wanted to send her flowers, pero hnd ko alam address, i wanted to ask her out, but i cant reach her...

walang forever! hahaha!

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)