Kwento ni Juan Hindi Tamad!
Kwento ni Juan Hindi Tamad...
Alas syete ng gabi nang magsimulang mamili ng babauning pagkain kinabukasan, kasama na doon ang babaunin sa trabaho at kakainin pag-uwi.
Mag-iisip ka kung ano ang iyong bibilhin at kung paano mo ba ito lulutuin. Okay sige na nga, ito nalang, ito, ito, at ito. Mag iisip ka pa uli kung may kulang ba o wala.
Minsan mas masarap magluto ng fresh na isda, baboy, baka o dressed chicken na hindi ko alam kung bakit dressed chicken ang tawag eh wala naman damit.
Minsan nama'y tatamarin ka, kaya ang bibilhin mo nalang ay corned beef sa lata, sardinas na maanghang yung kulay pula, tuna na century (yung maanghang din para HOT) lols.
Pipila ka na sa cashier na may kaherang Indiana, Nepali at medyo seksing pinay.
Kung medyo malaki sahod mo, pwede kang gumamit ng credit card or debit card. Pwede ka din naman gumamit ng cash.
Pagdating ng bahay makikipagbuno ka na naman sa kasikipan sa kusina bukod dun sa pila sa grocery store, pero pinoy tayo eh, hahanap at hahanap tayo ng paraan para magkaroon ng pwesto sa kusina.
Hiwa dito hiwa doon, hugas dito hugas doon, ganyan ang peg pag magluluto ka ng kakainin mo.
.
.
.
.
.
.
.
.
....... luto na!
Alas Dyes ng gabi ng dalawin ka na ni antok habang nag pepesbuk at nag you-youtube kasama ng mga maiingay na kasama, na hindi mo alam kung may puso ba at hindi nag iisip na may kasama silang anghel sa loob ng bahay. lols
Toothbrush, hilamos minsan maliligo ka pa para fresh pag gising at kung ma-late man, kahit hindi ka na maligo! hehehe!
Set ng alarm ng alas-singko sa cellphone, next set, alarm uli ng alas-sing y media, and 3rd is, alas sais ng umaga! haha (releyt matz) lols!
Who am I, that the Lord of all the earth
Would care to know my name,
Would care to feel my hurt?
Who am I, that the Bright and Morning Star
Would choose to light the way
For my ever wandering heart?
Would care to know my name,
Would care to feel my hurt?
Who am I, that the Bright and Morning Star
Would choose to light the way
For my ever wandering heart?
Yan ang naririnig mo sa panaginip nang bigla ka nalang magising at nakikita mo ang iyong cellphone na umiilaw at may kasamang vibration. Pero pinindot mo lang ito para tumigil at natulog ka uli ng ilang minuto. At nung pakiramdam mo nakatulog ka na, bigla na naman itong kakanta at magba-vibrate na parang ambilis ng oras simula nung unang pinatay mo ito. At dahil medyo nairita ka na at iniisip mong baka ma-late ka sa trabaho, nag unat unat nalang ng kamay at paa at baka sakaling tumangkad at humaba pa ang mga kamay. lols!
Punta sa kusina at maghanda ng almusal, minsan may kape, minsan may milo, minsan gatas na puro, at minsan wala talaga. :D
after ng breakfast....
-Kunin ang tuwalya at direcho na sa banyo para maligo. Minsan magdedeposito muna ng kinain at minsan bahala ka na mag isip kung ano yun. (applicable sa mga single) haha!
After maligo, kukunin na sa hangeran ang damit na susuotin na minsan hindi pa naplantsa.. buti nalang may downy at medyo malambot kaya hindi masyadong lukot.
Suot brief/boxers, pantalon, sando, tshirt, polo, longsleeves, sinturon, medyas at sapatos.
Spray ng pabango sa buong katawan para mabango pag dadaan ka sa mga chicks.
Checking ng wallet... laman ng bag, bus card, ID at extrang pagkain.
Lakad mula sa tinitirhan papuntang bus stop, mag aabang ng tamang bus na sasakyan papunta sa metro, minsan tatakbo ka pa ng mabilis para mahabol ang bus pag nakita mong parating na at patawid ka palang ng round about. haha!
Mas maswerte parin na ang mga inuuwian ay mas malapit sa metro or sa pinagtatrabahuhan. less hassle!
Habang nasa loob ng tren, makakasagupa mo na naman ang mga ibat ibang lahi na iba-iba ang amoy. Meron amoy kambing, amoy tupa, amoy kalabaw at higit sa lahat, amoy aso na gumulong gulong sa diaper. IIlan lang yan sa mga pagsubok na mararanasan mo sa metro.
Pagdating naman sa trabaho, kayod kalabaw naman ang peg mo. May mga pagkakataon na sobrang busy ka, yun bang kahit umihi ka hindi mo magawa, may panahon din na kulang nalang humingi ka ng gagawin sa boss mo sa sobrang boring. hehe!
Walo hanggang siyam na oras kang magtatrabaho sa isang araw para may makain ang pamilya mo at para may pambili ka ng mga luho mo.
Titiisin lahat ng homesickness para maibigay lahat ang gusto sa pamilya at para maabot ang iilang mga pangarap sa buhay na noon ay hindi mo nakuha.
Nakatanaw sa malayo habang pauwi na galing trabaho, malalim ang iniisip na tila hindi maidrawing ang pagmumukha. Siguro iniisip ang pamilya, mga kaibigang kasama mo sa inuman, anak, pamangkin at kung sino-sino pang herudes ang naiisip ng iyong isipan.
Pagdating ng bahay, same routine sa taas. Uulitin mo lang ng basa at yan na ang BUHAY KO SA DUBAI.
Maraming salamat sa pagbabasa.
Shaider- ang mabait at malapit sa chicks! lols
#diladila
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento