Christmas Day sa Pinas
Hi pFoEwZ... :)
Siguro alam nyo na kung bakit may nababasa ka na naman sa blog ko..haha! sobrang busy po kasi ng buhay ko... Diyan yung mall tours, signing, meet and greet sa mga fans... at higit sa lahat, busy ako sa pambababae! haha! JK :)
Yung totoo, para akong tanga dito sa office dahil wala akong ginagawa... Kaya naisipan ko nalang na magsulat tungkol sa mga nakaraang pasko sa pinas.
Sa abot ng aking ala-ala, noong bata pa ako, ako ay bata pa. Bow!
Nag iikot din ako noon para mamasko, syempre suot suot ko yung mga biniling bagong damit at sapatos ng nanay ko saken.. yung tshirt na kulay pula na may mga drawing na robot na parang mga gundam tapos pantalon na may kasamang sinturon na mabilis mawakwak at sapatos na puti na highcut.. (wish ko pa nun na sana yung umiilaw ilaw, kaso mahal kaya hindi afford ni nanay)
Sa halagang 50pesos na bigay ng ninong at ninang ko nun parang abot langit na ang tuwa ko... kaso napapalitan din ng kalungkutan sa tuwing hinihiram ng nanay ko para ipamasko din sa mga inaanak nya.. hehe!
Nga pala nagsisimba din pala kami nun bago mag ikot ikot para manghingi ng pamasko, then pupunta kami sa bahay ng lola ko kasi birthday nya at doon na kami manananghalian...
After lunch, balik na naman kami sa bahay at bibilangin na ang ang napamaskuhan... Bilang dito bilang doon, tapos paramihan kami ng napamaskuhan ng mga kapatid ko.. syempre mas lamang sila saken... alam nyo kung bakit? kasi mga ninong at ninang nila nasa paligid lang... yung mga ninong at ninang ko, mas marami pa ang daliri ni lola trulidad sa kanan. haha!
Ang sarap ng feeling na maging bata... dahil sa napamaskuhan mo, pwede ka na makabili ng mansanas at ubas na 250grams, makakabili ka rin ng .38caliber na ang bala eh yung pula na parang singsing na may pulbura.. Hindi pa uso ang pellet gun nun, kung uso man, medyo mahal nung time na yun.. lalo yung UZI at SHOTGUN.. hehe! Tapos makakabili ka rin ng paputok para sa new year at kung ano anong kendi pa ang mabibili mo, lalo na white rabbit na nakakain ang puting balat sa loob. hehe!
Nakakamiss maging bata noh? wala eh, kelangan din natin mag move on para tayo naman ang magbigay ng saya sa mga bata... alam mo yung feeling na ikaw na ang nagbibigay ng pamasko sa kapatid mo, sa inaanak mo, sa pinsan mo, sa tita mo, sa lola mo at higit sa lahat sa mga magulang mo na nagpalaki sayo na maging mabait na tao at mapagbigay sa kapwa.. diba ang saya? parang pareho lang yung nararamdaman mo nun nung ikaw ang nanghihingi ng pamasko sa kanila... (para akong maiiyak- haha)
Hindi ko na hahabaan to, sana magkaroon ang bawat isa ng pamasko, hindi man material basta yung makakapagpasaya sa sarili mo.
MERRY CHRISTMAS po sa lahat and HAPPY NEW YEAR na din...
Sana ay ligtas ang inyong mga kapamilya sa araw ng pasko.
Ang inyong lingkod at nagmamahal,
#diladila

*credit to the owner of the pic*

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento