Ala-ala ng nakalipas

Asyuswal wala na naman akong ginagawa, kaya heto at gagawa na naman ako kung ano laman ng utak ko ngayon kahit wala akong kinaing almusal bukod sa kape na may halong gatas.

Sa mga nakaraang araw, lagi ako nagpupunta sa pinagtatrabahuhan ng aking asawa.. Minsan dumidiretso na ako dun pagkagaling sa trabaho, tambay ng tatlo o apat na oras. Ginagawa ko yun ng hindi ko din alam...haha! O baka gusto ko lang bumawi sa mga kasalanan ko sa misis ko. hehe!

Dahil para sa mga bata yung pinagtatrabahuhan ng asawa ko, expected marami talagang bata... at marami din nanay na magaganda (bonus) LOL! kaliwali yung mga nanny... chos! XD

Ang ginagawa ko dun, paikot-ikot lang, tingin dito tingin diyan tingin doon... Siguro natutuwa lang ako makakita ng mga bata na naglalaro. Hindi ko kasi naranasan yung mga ganung bagay nung maliit palang ako. Base sa fresh kong ala-ala, puro teks, goma, kaha ng sigarilyo, balot ng kendi at tansan lang nilalaro ko noon at nung grade school na, patotoy naman nilalaro ko.. haha! RATED PG po tayo. (just kidding) 
CREDIT TO THE OWNER OF THE PHOTO



Minsan nakakaramdam din ako ng lungkot tuwing nakikita ko mga bata na masaya, hindi ko alam kung bakit... Siguro may tama lang talaga utak ko, nahulugan kasi ulo ko ng buko nung kabataan ko. hehe!

Sa totoo lang, mahilig talaga ako sa bata, yung hilig na magpangiti at maglaro.. pero wag naman yung buong araw mong pangingitiin at pagalaruin ang bata...nakakasawa yun, pwede pa siguro kong sa anak ko.. Iba kasi ang feeling pag sumabay ng ngiti sayo yung bata... sabi nga dun sa isang librong binasa ko, na inulit sa mga customer service training ko, pag ningitian ka ng bata, ibig sabihin nun, may busilak kang puso.

Define busilak: May malinis na kaluluwa! hehe

Naalala ko pa noong una kaming nagpunta ng tita at tito ko sa Festival Mall kasama kapatid kong babae, sumakay kami sa bumpcar, tuwang tuwa na ako nun kahit hindi na ako bata that time... teenager na ako eh.. 14 years old na ako nung unang nakasakay ng bumpcar at yung umiikot na maraming kabayo na may maraming decolor na ilaw. 

Hindi ko talaga makakalimutan yung mga araw na yun, kaya hanggang ngayon gustong gusto ko parin sumakay sa bumpcar at makipag banggaan sa mga bata, yung makikita mong pumapalo yung ulo nila sa steeringwheel, yung umiiktad yung leeg nila papuntang left and right.. sarap sa mata! haha! joke lang... mga malalaking tao talaga binabangga ko. hehe!

O siya sige na, sa susunod naman yung iba.. busy na ako kaka facebook eh... lols!

see you around.. salamat sa pagbasa ng walang kwentang kwento.

Nagmamahal,
#diladila

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)