DUBAI??? Balak mo ba magpunta dito? PART 1

Hello there readers..kahit apat lang kayo, keri lang, masaya parin naman ako... hehe!

Kanina pa ako nag iisip na gagawa ako ng blog about sa mga may balak mag punta ng dubai para mag trabaho at magbakasyon.

Well ito na... base ito sa mga eksperyens ko, mga nababasa ko sa facebook, mga naririnig sa kwentuhan sa bar'bir'shap at sa kung saan saan pang pwedeng makakuha ng chismax...hahaha!

1. Plano mo ba magpunta ng Dubai para magtrabaho?
Sagot: OO... ?

Ito ang mga dapat mong malaman...

Dito sa Dubai, hindi madaling makisama at magtrabaho... swertehan ika nga... iba-iba kasi ang lahi dito sa dubai... iba ibang kultura...

Dito sa Dubai, marami ang bawal dito (same lang din naman sa pinas at sa ibang bansa) bawal ang tanga dito sa Dubai, panu ko nasabing bawal ang tanga? example, yung pag tap ng card pagsakay ng Bus.. once nakalimutan mo yan at naswertehan mong may inspector, goodbye 200Dirhams mo... multiply mo nalang sa 12pesos. May multa din dito pag wala sa minimum load ang card mo, pag nahuli ka ng inspector dahil sa katangahan mo.. sigurado mababawasan na naman yang tinatago-tago mong ipon.

Nga pala bawal din ipatong ang paa sa upuan ng bus, yun bang parang feel at home ka... pag nakita ka ng inspector, tapos na naman kayamanan mo, bawal din umupo ang lalaki sa pwesto ng mga babae (may para sa family at babae na lugar sa loob ng bus/tren) pag ang lalaki nahuli ng inspector na nakaupo dun dahil sa katangahan, sigurado magmumulta ka na naman ng 200Dirhams or more...hehehe! 

Ang sa taas ay iilan lang sa mga dapat mong ingatan pag nandito ka na... ^_^

Para naman sa mga may balak magpunta dito bilang Tourist "kuno" abay mag isip kayo ng labin isang beses at kalahati... sinasabi ko sa inyo, hindi madaling maghanap ng trabaho dito sa Dubai pag naka tourist visa ka, especially kung maarte ka sa pagpili ng trabaho... Actually maraming trabaho dito, yun lang mabababa ang mga bigay nilang pasahod, tapos every 2 years pa ang libreng ticket pauwi..

Hindi ko kayo dini-discourage na magpunta dito sa Dubai, sinasabi ko lang at ikinikwento para may idea kayo...

Pag nag punta ka dito sa Dubai bilang tourist, medyo malaki laking pera ang iipunin mo at magagastos.. 
1. Ticket at visa na nagkakahalaga ng 2500AED (multilpy nyo nalang sa 12)
2. Ibabayad nyo sa room bedspace (600AED to 700 AED per month)
3. Pamasahe mo pang apply (3 AED minimum) (20AED maximum) pag na reach mo na ang 20AED in one day, unlimited ka na kahit saan ka magpunta.
4. Pagkain (600-700AED/Day)- tipid mode pa yan.
5. Load ng cellpone mo (50-100AED minimum)
6. ambag sa gas at internet- (50AED minimum/Month)

Do the math for 1 month... meron din visa for 2 months, pero dadagdag ka ng 900-1100AED for the extension. (update: 30days nalang ngayon ang tourist visa, hindi ka na pwedeng mag extend tulad ng dati) kelangan mo na din mag exit if naka 1 month visa, then apply nalang uli pag naka exit ka na sa kish or oman.

Malaki ba? wala pa yan... meron pa yan dugtong...

What if hindi ka nakakuha ng trabaho in 1 month or 2 months?

GASTOS na naman yan for sure... kasi need mo mag exit ng Dubai, may mga options ka kung saan mo gustong magpunta pag nag exit ka na for 1 month... Diyan yung Kish Island sa Iran, Oman at Quesm na hindi ko alam kung anong nasyon..LOL!

Cost:
1. Balikan na pamasahe (800AED)-airfare.
2. Per day sa hotel (40AED)
3. Pagkain per day (20AED)
4. Load (10AED)
5. Panggala mo (kunwari sosyal ka)

MAGASTOS noh? hindi pa diyan nagtatapos ang kalbaryo mo...

Pagnatapos mo na ang 1 month sa isa sa tatlong lugar na yan sa taas, pwede ka na uli bumalik sa dubai... dun na naman papasok ang room rental mo, internet, food and transpo etc.

What if hindi ka na naman nakakuha ng work? hahahha! parang sinumpa lang? lols

ang last option is, umuwi ng pinas na luhaan at kahiya hiya...hehehe!

wala pa pala sa taas yung hirap at kaba mo sa mga ballsfeet na taga Bureau of Immigration sa Pinas.

Well... hanggang dito nalang muna at wala na laman utak ko..hehe!

Kung may katanungan kayo, hanapin nyo nalang ako...hahaha!

Nagmamahal at nag-aalala,

Alexis- ang mahiwagang-maniniyot

*see you sa part 2*

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)