"KSP" Kwento mo Sa Pagong

Pasintabi po sa mga nagbabasa...

Maganda umaga, tanghali at gabi sa iyo aking mahal na taga basa.. :)


Medyo matagal tagal na rin nung huli akong nagkaisip na mag sulat dito sa aking blog, hindi na ako nakapagsulat pa uli dahil kulang ako sa inspirasyon at eksperyens sa pamumuhay dito sa dubai... pero dahil wala akong magawa ngayon dito sa loob ng fridge, heto nagkaroon ng oras na magtype sa harapan ng keyboard.

ANO BA IKEKWENTO KO?

Ikekwento ko ba yung nangyari sa buhay ko sa buwan ng Mayo?, yung parang mala the legal wife na soap opera na walang ka-kwenta kwenta!? hahaha!

WAG NA!!!

OO wag na, masamang panaginip yun, marami akong nasaktan dun, hindi lang asawa ko ang aking nasaktan, pati narin yung mga kaibigan nya na malalapit sa kanya at pati na rin malalayo... Pinagdadasal ko nalang na sana makalimutan na nila yun at wag na ako husgahan, kasi tao lang din naman ako.. hehe! (animal lang ang ugali..lols)

Habang nagtatype ako iniisip ko kung ano yung magandang nangyari saken sa mga nakaraang araw/linggo/buwan, pero mukhang wala talaga akong maalala! hahaha!

AY!!!! meron pala...lols!

Yung pag publish ng Read Magazine ng aking na-share na Picture sa kanila... Hindi lang isang beses na publish yung picture ko, kundi tatlong beses pa...

Ang read Magazine ay weekly Free Magazine na nilalagay sa Metro Station ng Dubai (Para itong LIBRE sa MRT sa Manila)... Pero dahil sa Dubai ako, feeling ko medyo sosyal ang magazine na ito...hahaha!

Ayun proud lang ako sa mga kuha ko na napublish nila... #diladila

ISSUE #150: http://www.readme.ae/Read_Issue_150.pdf



OHH DI BA??? Bongga diba? Kasi abot na sa Dubai ang aking hidden talent na kungfu! LOLz!

Kanina meron na naman bagong issue, hindi ko nakita yung pangalan ko dun, pero ok lang naman, meron pa naman next week..hehe!

Isa yan sa mga rason kung bakit bumabalik na naman yung hilig ko sa PHOTOGRAPHY, sana magtuloy tuloy na ito para sakaling masanay ako, gawin ko nang business pag nag for good na ako sa Pinas...

Hanggang dito nalang muna yung maishare ko, wala na talaga akong maidagdag pa, medyo labnaw ngayon ang aking utak...hahaha!

salamat sa pagbabasa aking kaibigan... 

Hanggang sa muling pagsusulat ko...

Ang iyong tunay na kaibigan,
Shaider



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!

Remembering TATAY (9 Years Death Anniversary- March 30, 2005)