Makulit Na Pag Ibig

Makulit na Pag Ibig

Wala na naman ako magawa dito sa inuupuan ko na napapaligiran ng mga nakapikit ang mata at mahahaba ang buhok sa kilikili, in short, kalaban ng Pilipinas sa Spratly Island!

Mga nakaraang linggo at araw, may mga nababalitaan akong magjowa na nagkakahiwalay at mag asawang nagkakahiwalay... nagkakahiwalay sila hindi lang sa isang dahilan, merong na fall out of love, o sa tagalog, nawalan ng pagmamahal sa karelasyon, at ang isa pa sa mga dahilan at madalas na dahilan ay ang third party.. hindi ko alam kung bakit tinawag siyang party samantalang puro away, sumbat at gulo lang naman ang hatid ng party na yan.. lels!

Anyway, balik tayo sa kwento kung bakit nga ba nagkakahiwalay ang magkarelasyon sa hindi malamang dahilan...

Ang tao kasi ayun sa nabasa kong libro, hindi pare-pareho kung mag isip.. lalo na ang mga babae, masyado silang emosyonal, masyado silang papansin.. gusto lagi silang nilalambing at binibigyan ng gift. (ang mag react tomboy) lols!
Ang mga lalaki naman medyo may pagka manhid... iniisip lagi nila na tama sila, na wala silang ginagawang kasalanan kahit nakikita na nilang nagtatampo ang mga babae nila.-
Diyan ngayon mag uumpisa ang away bati at pagsisimulan ng hindi pagkakaintindihan dahil sa mga walang kwentang tampuhan.

Sa totoo lang makulit talaga ang pag ibig, kasi may mga oras na ang saya saya niyo, may mga oras din na halos durugin ka ng mga sinasabi ng kasintahan mo.. walanjong pag ibig yan.. relate na relate ang inyong lingkod..haha!

May mga oras at araw na nagkakasundo kayo sa lahat ng bagay, may mga oras din na medyo badtrip kayong dalawa, at hindi magtatagal eh magkakasagutan kayo ng hindi tama sa inyong pandinig hanggang sa maghamunan na ng break! Bakit nga ba ganyan ang nagmamahalan? Siguro dahil hindi natin makontrol ang utak natin.. or should i say, HINDI NATIN KAYANG KUNTROLIN ANG UTAK natin.. Inuuna lagi ang galit, pinapataas lagi ang PRIDE!~
Wala naman mapapala sa away ee, pareho lang talo ang magkarelasyon.. pero may maganda at masarap na mangyayari after ng away.. marerealize nyo kung ano ang mali, at dun kayo matututo sa pagkakamali nyo... (akala niyo kung ano na ha) :)

Sa isang relasyon, kelangan at importante ang kumyunikasyon pagtitiwala at pasensya.. parang sa Photography din, meron exposure of triangle… dapat alam mo ang tatlong yan para makapagproduce ka ng magandang imahe. Ganun din sa LOVE, kelangan mo ng kumyunikasyon pagtitiwala at higit sa lahat mahabang pasensya.. kung matututunan mong lahat yan, sigurado ang ganda ng Picture niyo sa FB.. ^_^

Balik tayo sa third party, bakit nga ba nagkakaroon ng third party? Dahil ba ang lahat ng tao ay likas na malibog? O dahil gusto lang ng thrill sa buhay? O baka naman hindi na talaga nagkakasundo ang linya ng inyong mga palad patungo sa pag ikot ng bwan sa daigdig… Kung ako tatanungin, hindi ko rin alam kung bakit nagkakaroon ng third party, mamatay man ang Gold Fish ng dati kong boss!!

Pero sa tingin ko, kaya nagkakaroon ng Third Party ang isang relasyon dahil may kulang ito, pwedeng atensyon ng bawat isa or pwede rin yung palaging pag aaway ng wala namang kwentang bagay. Sa mga naririnig at nababasa ko, karamihan sa mga may third party ay mga lalaki na mahihilig sa seksi at mga lalaking malilibog na mahilig sa hipon! Haha! 

Ang mga lalaki kasi ay mga weak pagdating sa tukso.. pakitaan lang ng klebeds at konting pisngi ng pwet, bumibigay na... Siguro alam niyo na kung panu maiiwasan ang pagkakaroon ng Third Party... Mahalin nyo ang karelasyon niyo, iwasang tumingin sa nakakapagpatayo ng ugat at higit sa lahat, iwasang makabuntis!


Hindi ko alam kung may sabaw na naman tong nailabas ng utak ko at tinayp ko dito sa blog site ko..hehe! wala lang kasi talagang magawa dito pramis.. :)
Pasensya na kayo mga avid readers.. (kahit lima lang kayo) wala sa kundisyon ang utak ko ngayon.. gumawa lang ako ng blog para kunwari nagtatrabaho ako… panu naman kasi, sa hallway ako nakapwesto..kitang kita ng mga bosses ko mga ginagawa ko…hehe!

Sana kahit sa magulo at walang kwentang blog kong ito meron kayong matutunang aral, tulad ng pag dugtong ng guhit ng inyong mga palad patungo sa bwan at sa walang kinalamang pag ikot ng daigdig sa lablayp mo na walang kwenta (for bitter only!)
Maraming salamat sa pagbabasa.. Mabuhay po kayo... ^_____^

Ang inyong mahiwagang maniniyot,
Shaider- taga pag hubad ng panty ni annie!!!

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

MONFER- Pangalang malupit, Umiiwas sa panlalait :)

Part TWO: Ang Araw kung saan ako sumakay ng eroplano palabas ng Pilipinas kong Mahal

Part Three: Kwentong hindi mapupulutan ng aral. bow!