Tanga ka na Bitter ka pa!
Hello televiewers ng ABS-CBN and GMA 7... :)
sa wakas ginanahan din akong gumawa ng blog ulit...LOL! its been a while now... wahehehehe.. XD
Umpisahan ko na, nabasa niyo naman ang title.. "tanga ka na bitter ka pa", isa lang yan sa mga pasaring ng mga GF, BF, KARELASYON at KABIT! Walang pinipili ang linyang yan, kahit nga kaibigan kaya kang sabihan ng ganyan... :)
Bakit ka ba nagiging tanga? (sa pag ibig). Alam mo nang may karelasyon na, abay pilit mo parin sinisiksik ang sarili mo sa kanya... Eh bakit nga ba? Dahil bulag siguro ang isang nagmamahal?! Bulag sa nakikitang kabaitan at bulag sa nararamdamang kasiyahan sa tuwing kasama at kausap ang manlolokong karelasyon...
Sabi nila, hindi naman masama ang magmahal, nagiging masama lang ito pag marami na kayo...hehe! ibig sabihin ng marami, marami na kayong nagiging tanga! Yun yun... #diladila!
Ang salitang TANGA ay masakit pakinggan pag ikaw ay guilty.. hmmm... parang tama ako... LOL! Pero syempre hindi mo ipapakita yun kasi nga tanga ka.. pinipilit mong ipasok sa isipan mo na kahit magmukhang tanga, okey lang kasi masaya ka... OO masaya ka, pero hanggang kelan? For life na ba yan? abay mahal na mahal ka ng Diyos mo kung ganun... ;)
Sabi nga ni idol Bob, "lahat tayo binigyan ng chance maging tanga, pero di porket libre, aaraw-arawin mo na"
ito pa isa: “Think of how stupid the average person is, and realize half of them are
stupider than that.”- George Carlin
Punta naman tayo sa Bitter, "alam mo bitter ka" yan lagi ang naririnig galing sa mga kaibigan mo, alam mong pabiro, pero may tama.. parang redhorse lang... LOL!
Bakit nga ba nagiging bitter? Kasi hindi makuha ang gusto? Kasi feeling mo ikaw na ang pinakamaganda? feeling mo ikaw na ang pinaka sexy? feeling mo ikaw na ang may maraming datung? chosera ka!!! hindi yun ganun... talaga lang tanga ka at bitter ka pa... LOL! ayan kumpleto na... hehe!
Nagiging bitter lang naman ang mahihilig sa ampalaya extract kasi nga hindi sila yung pinili, hindi nila nakuha ang gusto nila.. at higit sa lahat... hindi pala sila minahal.. kawawa naman... hehehe!
Paano nga ba maiiwasan ang masabihan ng "Tanga ka na Bitter ka pa?" Simple lang, wag mag madali sa pag pili ng magiging karelasyon... Kumbaga sa Pancit Canton ng Lucky Me, kelangan mo munang salain ang tubig bago ito lagyan ng powder at seasoning... Kasi pag ang pancit canton kumukulo palang sa lutuan at nilagyan mo na ng seasoning at yung powder na lasang vetsin, sigurado isa kang tanga... akala mo noodles..LOL!
Isa pang paraan para maiwasan masabihan ng "Tanga ka na Bitter ka pa", Iwasan makipagrelasyon sa may jowa na... Dahil sa huli niyan, ikaw lang din ang kawawa.. ang rason mo ay hindi mo alam na may jowa pala... aba'y hindi rason yan... siguro hindi mo sinunod yung unang pag iwas..hehe! hindi mo nasala ng maige...
Ang inyong lingkod ay hindi perpekto, isa din ako sa mga jerk na nakilala niyo.. pero tama na yung past... enough na kumbaga... pero minsan ita-try ko paren...LOL! joke lang... #diladila!
"Stupidity isn't punishable by death. If it was, there would be a hell of population drop"- Laurell K. Hamilton
Ang masasabi ko lang, iwasan magmahal ng may karelasyon na... iwasang magmahal ng may asawa na... at higit sa lahat, Tanungin mo sarili mo, "HANDA BA AKONG MASAKTAN?"
Dito na po nagtatapos ang aking blog na ako lang naman ang nagbabasa... hehe!
salamat kung nabasa mo ito...salamat din kung nainis ka... sorry kung tinamaan ka...TANGA ka eh... #diladila!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento